Story # 3 Every Dismissals

33 4 0
                                    

Dear Marcus,

May isang bagay na naging paborito ko araw araw. Iyon ay ang dismissals.

Bakit? Kasi kasama kita palagi tuwing uwian. Okay lang kahit buong araw walang ikaw, basta nandyan ka sa katapusan ng araw.

Alam ko napakacorny pero sorry ah? Yun lang talaga ang way para makita ka.

May aaminin rin pala ako, Alam mo ba? Stalker mo na ako simula pa dati, simula pa nung... grade 7? Ang galing galing mo kasing magbasketball tapos nakita pa kitang magaling maggitara at kumanta, isa sa mga reason kung bakit ako sumali ng Choral Club.

Naaalala mo rin ba yung time na nadapa ako sa harap ng science lab.? Ikaw lang yung tao sa hallway at tinawanan mo pa ako. Nakakahiya nung nga oras na yun kaya napasabi ka, "walang may nakakita, atin atin lang yun" kinilig ako to the highest level! Yung feeling na Lord-pwede-mo-na-akong-kunin?

Haay, iyon ang first ever convo natin at napahiya na ako, speechless pa. Di bale, at least nagpapansinan na tayo after what happened. Minsan talaga, blessing ang pagiging tanga!

Lumipas ang taon at pagka grade 9 natin, naging magclassmate tayo. Hindi ko alam kung bakit ka napunta sa section 2 eh ang talino mo naman pero wapakels ako kahit bobo ka basta makita na kita araw araw!

Pero yun ang akala ko nung first day, sa pagiging sobrang tanga ko, parang di na blessing dahil napunta na ako sa section 3. Halos maiyak ako kasi simula nun, talagang sa uwian na lang kita nasusulyap.

Poems And Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon