When to let go?

1 0 0
                                    

Maraming tao ang hindi alam kong paano mag let go. Ika nga nila, it's easier said than done. Sabi nila it's your choice kung patuloy kang aasa o tatanggapin ang masakit na katotohanan na wala na s'ya. Pero kahit anong pilit mong tanggapin na lang, kung talagang nanatili s'ya dyan sa makulit mong puso, hindi mo pa rin maiiwasan ang umasa na baka sakaling mapansin ka n'ya o kaya ay balikan ka n'ya. May mga taong pinagpala, na sa tagal na paghihintay nakukuha nila ang biyaya, pero may mga tao rin namang pinsan si kamalasan at kahit sa kanilang kamatayan, wala pa ring napapala. Hanggang kailan ka maghihintay sa taong wala ka namang kasiguraduhan? At sa pinangakuan d'yan, paano ka makakasiguro na totoo ang pangako na kanyang binitawan? 

May kakilala ako na lubos na pinagpala, sa kahihintay n'ya, nakuha din n'ya ang kanyang biyaya. Almost 9 years ang kanyang paghihintay bago nabigyang pansin ang kanyang kagandahan :D well, walang pagsisisi dahil ngayon, masaya s'ya sa biyayang kanyang tinatamasa, nasabi nya na that someone is really worth the wait.

May isa rin akong kakilala na hanggang nayon ay naghihintay pa rin sa pagbabalik nang kanyang ex jowa na may iba nang jowa. Kahit anong sampal mo sa kanya ng katotohanan na wala na syang pag-asa na balikan  nang kanyang ex-jowa ay parati pa rin syang umaasa, hindi na natuto. Pero hindi ko rin naman sya masisisi kasi nga mahal na mahal sya nang ex jowa nya na yun but she took him for granted and now, sya ang naghahabol. Siguro may feelings pa rin si ex-jowa sa kanya but it doesn't change the fact that ex-jowa is more than happy with his new. My friend tried to break ex-jowa's relationship with another girl but hindi nya nagawa. Now, my friend still hoping na sana maibalik nya ang dati at sana s'ya na lang ulit (Basha feels). 

When to let go and how to move on? Bakit may mga taong kahit natatapakan na ang pagkatao nila ay go lang ng go kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na wala na syang pag-asa? Sagot ng marami ay dahil mahal na mahal nya ang taong yun, paano naman ang sarili nya? mahal pa ba nya? I believe that before you love someone else, you need to love yourself first. Paano ka magmahal nang iba na mismo sarili mo ay hindi mo kayang mahalin? In this world, maraming tao ang hindi alam kailan sila magpakabobo at magpakatanga. Gumagawa nang katangahan mapasakanya lang ang taong gusto nya. Hey people! Gising! Kung gusto ka nang isang tao, hindi nya hahayaang tapak-tapakan ang sarili mong dignidad mapansin ka lang nya. Kaya kung hindi ka nya kayang ipagtanggol o kaya kausapin man lang nang maayos, hindi ka nya GUSTO, hindi ka nya MAHAL. Dahil kung may gusto sya sayo kahit katiting na pagkagusto lang o may paki sya sayo, hindi nya hahayaang masaktan ka sa sarili mong kagagahan o kagagohan. Alam ko na it's easier said than done nga, pero nasayo na yan kung may natitira ka pang konting respeto at pagmamahal sa sarili mo ay mag let go ka na. Hindi masamang umiyak kung yon ang isa sa mga paraan para mawala kahit konti ang sakit. May mga kaibigan ka, may pamilya na nagmamahal sayo. Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo. Cry until it hurts no more and move on and be happy again. Malay mo sa pag move on mo na yan, malaman mo na you're just in love with that certain person dahil yan ang pinaniwalaan mo at doon mo ma realize na kaya mo palang mabuhay at maging masaya kahit wala na sya :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon