lagi ko syang nakikita mula sa malayuan.Pinagmamasdan ko bawat ngiti nya,kung paano sya mainis paginaasar sya ng mga kaibigan nya.
Ang sarap pakinggan ng mga tawa nya parang musika sa aking pandinig.
Isang araw nagkabanggaan tayo,humingi ako ng sorry sayo at ngiti lamang ang sinagot mo sakin bago na naglakad papalayo.
Abot tenga ang ngiti ko nung oras na yun.
Kinabukasan pumasok ako sa school.
Akala ko'y mabubuo na naman ang araw ko dahil makikita kita.Boung araw akong naghintay iniisip ko na baka late ka lang o half day ka kaya hinihintay padin kita...pero dika pumasok.
Napagisip ko na magtanong sa isa sa mga kaibigan mo at dun ko nalaman na kaya ka umabsent dahil nagkasakit ka.Boung gabi akong nagalala sayo.
Kinaumagahan nakita kita na umiiyak sa likod nung building na tinatambayan mo lagi pagnagiisa ka.Nung una ay nahihiya pa akong lumapit sayo pero pinilit ko padin na lumapit sayo.
Nang makalapit ako sayo ay kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at inabot sayo iyon.
Kinuha mo ang panyo at ngumiti ka ng pilit sa akin.
Umupo ako sa tabi mo at sinabi sayo na "Pwede ko bang malaman bat umiiyak ka? Handa akong makinig".
Tumango ka at sinabi mo sakin na iniwan at sinaktan ka niya,pagkatapos ay pinagpalit ka sa iba.
Gusto kong sapakin ang muka ng lalaking yun para sayo pero pinakalma ko ang sarili ko at pinatahan kita.
Nabigla ako nung yakapin mo ako at sinabi mo na "Thank you ah? Mejo gumaan pakiramdam ko".
Bigla kang tumawa at sinabi mo na namumula ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon dahil nahihiya ako sayo.
Nagpaalam ka sakin pagkatapos nun di ako nagsalita at ngumiti lang dahil nahihiya padin ako.
Simula nun ay lagi tayong magsabay kumain ng lunch tuwing break time katagalan ay hinihingi ko ang number mo at binigay mo naman agad sakin.
Magkatext at Call tayo lagi.
Minsan nga ayy natatawa ako nung di tayo nakapasok kasi boung magdamag tayong magkatawagan at tawa ng tawa sa telepono hahaha.
Habang patagal tayo ng patagal ay mas nahuhulog ako sayo.Isang araw nagising nalang ako na Mahal na talaga kita at Ayaw ko na mawala ka sakin.
Gumawa ako ng sorpresa para umamin sayo tungkol sa nararamdaman ko..inaamin ko na kinakabahan ako sa pwedeng isagot mo sakin.
Humingi ako ng tulong sa mga Kaibigan mo.Nagkatampuhan tayo nun kaya i grab the chance.Todo Iwas ako sayo.
Nakikipagbati ka pero di kita pinansin..
Lumabas ka ng room at nakita kong umiiyak ka..nasasaktan ako pagnakikita ko na umiiyak ka pero kailangan kong gawin yon.
Uwian na at eto na yung oras na hinihintay ko.
Nakatayo ako at hinigintay ka sa lugar kung san tayo nagkakilala.
Kita ko kung paano ka alalayan ng mga kaibigan mo habang naglalakad ka dahil naka piring ang mga mata mo..yung panyo na nakatakip sa mata mo yan yung panyo na binigay ko sayo nung umiiyak ka...
Dahan dahan kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata mo.
Nagulat ka habang umiiyak ng nakangiti...ngumiti ako at inamin sayo lahat.
Nung una ay kinabahan ako kasi umiiyak ka padin kaya pinunasan ko ang mga luha mo sa pisnge gamit ang kamay ko.
Nagulat ako nung hinalikan moko sa labi at Ngumiti ka..Inamin mo din sakin na mahal moko sa sobrang tuwa ko ay niyakap kita at hinalikan sa noo.
Napuno ng hiyawan ang lugar ako naman ay nakangiti lang sakanila.
BINABASA MO ANG
Im Her Secret Admirer
RomanceShort story lang po ito ah? ginawa ko lang toh kasi naging malikot ang utak ko habang umuulan hahaha sana po magustuhan nyo Enjoy Reading and Please vote xD -LalaMaria❤