Introduction

61 4 1
                                    

 [Toby's POV]*

"Aalis na po ako."

"Mag-ingat ka!"

It's only 7 am in the morning and usually I'm just in my bed, still sleeping and dreaming about something wild. But, in this day, I have to wake up early, pack up my things and start walking in this

bullsh*t road.

Ako si Toby Raymann, 17 years old. At hindi ako nahihiyang sabihin sa inyo na di ako marunong magsalita ng English pero salamat sa taong nagsusulat nito kung sinuman siyang kulot sya, pandak sya, ang baho nya, (biro lang^_^ ) dahil trying hard talaga siya sa page-English. ( Note: He's referring to the author and that's me. )

Well, Balik tayo sa kwento ko.

Kasalukuyang nasa highschool na ko at isang taon na lang gagraduate na ko. Hate kong mag-aral at pumasok sa school pero dahil kailangan wala akong ibang choice kundi ang gawin yon. Yung babae nga pala kanina siya si Lara, stepmom ko. Siguro naku-curious kayo kung nasaan yung totoong nanay ko. Ayun, umalis at iniwan kami ng papa ko, at mas pinili niyang sumama sa kabit niya. At dahil don, napagdesisyunan nilang mag-divorce at si papa, for the second time around, nagmahal ulit siya sa isang babae na niloko din ng asawa niya. Hay, parang isang telenovela lang ang love story nilang dalawa. Meant for each other nga daw sila eh. Yuck! Ang baduy nila!...

Pero sa totoo lang hindi ko pa siya ganon katanggap para kay papa hindi dahil sa umaasa pa rin ako na magkakabalikan sila ni mama iyon ay dahil sa magkakaroon ako ng kapatid sa kanya na kailanman ay hindi ko pinangarap na magkaroon.  Siguro naku-curious din kayo kung anong klaseng tao ba ako. sasabihin ko sa inyo hindi ako tulad ng iba dyan na good guy at mala-prince charming ang dating dahil ibang-iba ako sa kanila.

I'm a rebel. And i'm sure na kapag narinig nyo ang word na yan, ako ang unang tao na maaalala ninyo. Ang pagiging rebelde ko ay isa sa mga katangian ko na gustung-gusto ko. bakit? Dahil ang pagiging rebeldeng anak ko ay pagkakaroon ng kalayaan. Malaya kong magagawa ang gusto ko at hindi ko sasantuhin ang kung sinumang mangielam sakin. And guess what, isa ako sa mga rebeldeng estudyante ng school namin na nagka-cutting during school hours, laging napapagalitan ng mga teachers tuwing late sa pagpasok at ang tanging alam lang ay ang makipagaway, gumawa ng gulo at kung anu-ano pang kalokohan.

Wala akong pakielam kung anumang sabihin o tingin sakin ng ibang tao dahil wala rin naman akong pakielam sa kanila. Hindi mahalaga sakin ang sasabihin nila. Dahil kahit kailan walang sinuman ang makakaintindi sa isang tulad ko.

Whazzup!! ( Meet da WILD Ones )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon