Chapter Eleven: Biggest Mistake

13 0 0
                                    

[EUNICE]*


Wait...WHAT?


Tama ba yung narinig ko na ang mga babaeng to ang may kagagawan sa nangyari kay leila? Pero bakit nila sasabihin yon? Ano bang kinalaman ng BROFC dito? Naguguluhan na talaga ako.

Hindi ko alam kung sinong titignan ko si Jiro o etong mga babae na nasa tabi ko. Magsasalita na sana ako nang unahan akong magsalita ni Jiro.

"Leslie, right?" tanong niya dun sa babaeng mukang flirt.

Nag-nod lang ito sa tanong ni Jiro. So, her name is Leslie pala. Kung pagmamasdan nyo ang grupo nila, siya ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakamatangkad sa kanilang apat. Siguro siya ang leader ng grupo.

"So, Leslie and company, what you guys doing here?"

"We're here...to tell you the truth." Pagkasabi non ay tumingin siya sakin. Napakunoot yung noo ko pano ba naman kasi nakangiti sakin tong Leslie na to. Hindi ko alam kung totoong ngiti yon o pinaplastik niya lang ako eh.

"The truth?" Takang tanong ni Jiro.

Nakatingin pa rin sakin yung Leslie at sinagot yung tanong sa kanya ni Jiro.

"Na hindi kayo ang may kasalanan sa nangyari sa kaibigan ng babaeng to kung hindi kami. Kami ang may gawa non sa bag niya at sa mga gamit niya. At kami rin ang dahilan kung bakit siya nahimatay. Lahat yon gawa namin. Yun ang katotohanan."

"Gusto mo bang maniwala ako dyan sa sinasabi mo, ganon ba?" pagaalinlangang tanong ko.

"YUP."

"Kung kayo nga ang may gawa non kay Leila, sa anong dahilan? Anong naging kasalanan niya sa grupo nyo at ginawa nyo yon sa kanya? O baka naman..." binalingan ko ng masamang tingin si Jiro. Tinitigan ko siya ng pagkatalim talim, na ngayo'y nakatingin na din sakin. "...pinagtatakpan nyo lang ang mga lalaking to sa kasalanan na sila naman talaga ang may gawa?"

"Hoy, babae! Wag na wag mong tignan ng ganyan si Prince Jiro ha!" and here comes the bitches. Titig lang yung ginawa ko ha. Titig pa lang yon pero tignan mo naman kung pano maka-react tong babae na nasa kanan nung Leslie. At eto pa yung dalawang alipores.

"Anong karapatan mong sisihin si Prince Jiro at ang Black Rockers ha, BITCH!"

"Ang kapal rin ng mukha mo noh!"

Wow ha! Tama ba yung narinig kong tawagin akong Bitch?! Eh, mas makakapal pala ang mukha ng mga bruhang to! At saka kung titignan nyo, sila ang Bitch at hindi ako dahil sa sama ng ugali nila. Wala silang ipinagkaiba sa mga lalaking yon.

"Kayong tatlo, can you please shut up?" saway nung Leslie with matching hand gestures pa. Ang arte pero effective kasi biglang tumahimik yung tatlo. At sabay sabay pa kong inirapan ng mga gaga. Hugutin ko kaya mga mata nito. AISHHH!!! KAASAR!

"Pasensya ka na, sadyang ganyan lang talaga ang tatlong yan."

"Leslie, ba't ka humihingi ng pasensya sa babaeng yan? She's not deserve it lalo na kung galing sayo." sabat na naman nung babaeng tumawag sakin kanina ng "Bitch." At ano raw hindi ko deserve na masabihan ng word na PASENSYA lalo na kung galing sa Leslie na to? Ano ba siya, prinsesa at ako'y isang hamak na NOBODY lang. Wow ha! Just...WOW.

"Rachel...please." baling sa kanya ni Leslie.

Hmm...so Rachel pala ang pangalan nitong maarteng to. Naalala ko tuloy si Kim Ji won na gumanap bilang Rachel sa The Heirs. Ganitong-ganito din yung ugali niya eh. Nakakaasar! Hindi kaya idol nito si Kim Ji Won, same name na, same pa sa ugali. Pero hindi sa mukha. Mas maganda si Ji Won noh. Koreana kaya yon. Kumpara mo naman sa Rachel na nasa harap ko na halos magmukha ng payaso sa kapal ng makeup niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whazzup!! ( Meet da WILD Ones )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon