Ally's POV
year II - Fiore
Basa ko dun sa nakapaskil sa ibabaw ng pintuan ng isang classroom. Yun ang year and section ko ngayong taon kaya dirediretso akong naglakad papunta doon.
"Ally!" Napalingon ako sa likod ko nung narinig kong may tumawag sakin sa nickname ko pero bago ko makita kung sino yun bigla akong sinunggaban ng yakap. Nagulat ako. Teka, parang alam ko na kung sino to.
"Sam?!" Tuwang tuwa kong sinabi at nagtatatalon kaming dalawa ng bestfriend kong half korean (na hindi marunong mag salita ng korean language: haha talo ko pa!) habang magkayakap. Samantha Lee nga pla buong pangalan niya. At anung tuwa lang? tuwang tuwa nga eh! kasi nung nagbakasyon matagal kaming hindi nagkita! pano ang layo ng bahay namin sa isa't isa.
"Ahh!bitiwan mo na ako! ang higpit ng yakap mo!" Sigaw ko at agad nya akong binitiwan sa pagkakayakap nya. Inayos ko ang eye glasses ko habang naka patong ang dalawa nyang kamay sa tigkabilang balikat ko na nakangiti ng malaki sakin. baliw. Ayan nakita ko rin pag mumukha nya. Whoa! Bruha! Joke! Well.. mahaba buhok, singkit mga mata kasi half korean nga, matangos ilong, maliit labi at mas matangkad sya sakin.
"Ui! nakakainis naman, hindi tayo magka-section." malungkot nyang sabi.
"Oo nga eh.. nung tinignan ko yung nakapaskil dun sa bulletin board na listahan hindi ko nakita pangalan mo sa section namin. " bahagya akong tumigil. "Ayus lang yan, magkakasama naman tayo pag recess at lunch time."
"Sa bagay.. Nga pala, Ang daya mo kasection mo si ano!"
"Sinong ano?" Tanong ko habang naka kunot noo ko.
"Anu ba naman to, shempre si Nick!" Ah si Nick yung crush naming dalawa nung first year kami.
"bakit crush mo parin ba sya? sira ka talaga may boyfriend ka na eh!"
"Ehh.. kahit na. at saka napag usapan naman na namin ni Justin yun. ayus lang sa kanya na crush ko si Nick, kasi alam
naman niya na sya love ko." sabi niya habang tumatangu tango."ay ewan ko sa inyo." umiiling iling kong sinabi at ng kalaunan ay nag ring na yung school bell. "Ui sige, maya nalang ulit. start na ng first period. Bye!"
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
Si Sr. Montenegro pla ang adviser namin. Naging guro ko na siya noong grade 6 ako at ayus naman siya, pero napaka stricto niya at matalas ang dila. kaya wag na wag kang gagawa ng kalokohan sa klase nya kung ayaw mo mapahiya. well, wala naman akong dapat ika takot. isa naman ako sa mga tahimik na tipo lang ng studyate kaya wala akong magiging problema dito.
At nga pla, tama si Sam, kaklase ko nga si Nick. Jusko po! Pogi talaga nya.
shempre, sa unang araw ng pasukan, hindi talaga mawawala ang pag papakilala ng sarili sa buong klase. at eto ako ngayon, kinakabahan. pero pag tapos naman na nitong unang pag papakilala sa mga susunod naman sigurado di na ako kakabahan.
sinimulan ni sr. Montenegro mag tawag sa harapan at sunod sunod nang nag pakilala ang aking mga kaklase sa flat form. Yung iba mga ka klase ko narin noong first year ako at yung iba naman mga ngayon ko lang mga nalaman ang pangalan kasi nakikita kita ko lang sila dati dahil di ko naman ka section.
"Next" tawag ni sr. Montenegro pag tapos magpakilala nung classmate namin na transferee lang ngayon school year na nag ngangalang Angeline. ako na pla sunod. tumayo ako at pumunta sa harapan. huminga ng malalim at saka nag simula "Good morning classmates, Sir Montenegro. I'm Harley Allison Montez. You can call me Ally." ngumiti ako sabay bow pag tapos at bumalik na sa aking pwesto. Phew, nakaraos din.
BINABASA MO ANG
The Both of Us [tagalog]
Teen FictionGrade 6 kami noong magkakilala kami, simula nun hindi na kami mapag hihiwalay. Groupings, pairing, o kahit ano pang "ings" "ings" yan makakasigurado kang lagi mo kaming makikitang magkasama. Ngunit nang tumungtong kami sa second year naging magka ib...