Chapter 21
(Sath's POV)
Kakaalis lang ni Tops dito sa Los Banos. Dito sya sa bahay kumain ng dinnerbago sya
bumalik ng Manila. We pretended na okay kaming lahat dito, na sina Jersey at Paul na talaga
at.. bati na kami. Actually, nagtatampo si Jerro kay Jersey. We all know na galit si Jerro kay Paul
dahil sa ginawa nito kay Je. Ano naman kasing problema ni Jersey?! Isa pang baliw yun e.
Hindi ko rin nakita si K evin ngayong araw na to. Saan kaya yun? Masyado syang
affected sa nangyayari ngayon e. Bakit kaya? Gusto na rin kaya nya si Jersey? Tcsh. Duh, ewan
ko. Mukhang oo na hindi. Mukhang Maxene kasi yun e.
"So.. hindi mo na nasabi kay Tops yung totoo?" tanong ni Jerro kay Je. Natigilan tuloy
kaming lahat.
"Hindi ko na nasabi. After Christmas break na siguro."
"Pinapatagal mo pa talaga to Je. Kung ayaw mong sabihin, ako na lang magsasabi."
"JERRO PLEASE WAG. I can handle this."
"SA GINAGAWA MONG YAN, HINDI MO KAYA. ANO BA TALAGA JERSEY!?"
"PLEASE NAMAN. Ayoko na ng gulo Jerro. Ako na bahalang dumiskarte dito," napayuko
na si Jersey, naiiyak na.
I looked at Jerro, and he looks so mad na naaawa. Kasi naman tong si Paul, wala nang
ginawa kundi manira ng moment!
He let out a very deep sigh. "Jersey, I trust you. I really do. Pero kung hindi mo na talaga
kaya, sabihin mo lang samin. Kung napepressure ka na, sigaw mo lang. Barkada tayo dito
right?! Haaay. Sana hindi mali yang pinili mong desisyon Je. We trust you." Nilapitan nya si
Jerseyn at niyakap.
Aaaahhhh! Ano ba to! Nakakaemo talaga ang eksenang to! "Guys naman e!
Nakakaiyak kayo!" pumunta na rin ako sa kanila at nakiyakap. Sumunod din sina Amae at
Paolo. GROUPHUG!! :>>>
Okay na kaya? Tiwala naman ako dito kay Je e, matapang to, matibay. Kaya nya yan.
Pag tong si Paul ay tinopak ulit, makakatikim ulit sakin yan. Swear.
(Jill's POV)
"Si Jersey nasan?" tanong sakin ni Ken. Nasa SU kami, kumakain ng lunch. Grabe, intense
ang atmosphere. Kaming tatlo na lang nina Kevin ang magkakasama ngayon. Masama pa rin
ata ang loob ni Kevin kay Jersey dahil dun sa nangyari. One week na ring hindi sumasabay si
Jersey samin sa pagkain or what. Hindi rin sila nagtatabi ni Kevin sa mga lecture at recit classes
namin. Talk about jealousy, Kevin!
"Ha? Hindi ko alam e. Baka sa bahay nila naglunch," sabi ko. Tinignan ko lang si Kevin.
Ayun, todo kain lang sya, naka-earphones pa.
"Nasa bahay nila? Sure ka? Eh kanina nakita ko sya papunta dito e," natigilan kaming