Chapter 1:
Sa pagpasok din sa eskwela, Sabay ding pumapasok sina Kyra at Fiel, Sinusundo ni Kyra ang kaibigan tutal, Mas malapit ang eskwelahan Kila Fiel. Pinapapasok siya ng Ina ni Fiel tuwing hihintayin niya ito, Sa Living Room nalang ng Pamilya hinihintay Kyra ang kaibigan. Pagdating ni Fiel, Iniabot ni Kyra ang Slumbook sa Kaibigan.
“Ito na oh.” Sabay abot ng Slumbook kay Fiel.
“Salamat.” Binuklat niya ang Slumbook, “Bakit sa pinakahuli ka nagsign?” Tanong ni Fiel kay Kyra.
“Trip ko lang naman, Sa number 1 ka nalang mag sign kung gusto mo.” Nilagay na ni fiel ang Slumbook sa kanyang bag at Umalis na sila ng bahay nila.
^^^^^^^^^^
Habang nagdidiscuss ang teacher nila anag sasign ng Slumbook si Fiel, Pero kunyari nakikinig siya para hindi siya mapagalitan ng guro nila. Kunyari notes ang sinusulat nya. Hanggang sa marating na nya ang tanong na: “Paano mo gustong mamatay?” natigil siya sa pagsusulat, may malamig na hanging humawi sa kanyang buhok. Pinagtawanan nya nalang ito at pinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.
Pagkatapos niya magsulat ng impormasyon tungkol sa kanya, Binigay niya ito kay Dean ang manliligaw ni Kyra na nasa Likod lang ng Row nila.
“Mag sign ka dito oh.” At iniabot ni fiel ang Slumbook kay dean.
“Ano toh?” Tanong ni Dean kay Fiel.
“Slumbook ni Kyra yan, Mag sign ka nalang.” Hininaan nya nalang ang boses nya para hindi siya marinig ng Guro nilang nag didiscuss.
“Baka naman magalit si ---“Napatigil ang Pagsasalita niya ng Mahuli sila ng Teacher niya.
“Mr. Delos Reyes and Ms. De Vera, oras ng klase ko, Ayokong may sumasabay sakin habang nagsasalita.” Nakapa-mewang pa ang guro habang nagsesermon ang matandang dalagang guro.
^^^^^^^^^^
Uwian na, Sabay nanamang Umuuwi sila Kyra at Fiel, narating na nila ang kanto kung saan sila maghihiwalay ng tatahaking landas.
“Sandali lang.” Napahinto sa paglalakad ang dalawa, Kinuha ni Fiel ang slumbook mula sa kanyang bag pack. Iniabot niya ito kay Kyra.
“Salamat.” At nilagay niya ang slumbook sa Kanyang bag.
“Mauna na ako sayo J” Lumiko na at naglakad papalayo si Fiel, Habang naglalakad papalayo si Fiel, tinititigan niya lang ito habang papalayo ito ng papalayo. Dumiretso na siya ng lakad, Pero bago niya marating ang bahay nila, Bumili muna siya ng RC.
Narating niya ang bahay nila, Buenas siya, Namili sa palengke ang Mama niya, Kaya walang mansesermon sa kanya dahil sa pag inom niya ng Softdrinks. Kinuha niya ang bag niya, Binuksan ang zipper neto at Kinuha ang slumbook sa loob neto. Binuklat Niya ang slumbook, at dito, nakita niya ang pinaka pinaka pinakamumuhian niyang lalaki sa mundo, Si Dean Delos Reyes.
Kaya naman pinunit nya ang Page kung saan Nagsign si Dean Delos Reyes, at tinapon niya din ito sa Basurahan.
BINABASA MO ANG
Slumbook [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSa panahong namamatay na ang pagpapasign sa mga Slumbook. Handa ka bang magsign kung buhay mo na ang kapalit nito?