Chapter 3:
Nag ring na ang bell, Hudyat na ito na aakyat na ang mga estudyante. Sa gusto nila o ayaw. Umakyat lang sila Lara at Fiel na parang wala lang, Bati na ulit sila, syempre, Para sa kanilang magbestfriends normal lang ang mag away. Umupo na sa kani-kanilang upuan ang magkaibigan. Kakaupo lang niya ng tawagin siya ni Carl.
“Kyra!” Agad namang Lumapit si Kyra kay Carl, Kaya napatingin din si Fiel. Nasa gawing Kaliwang bahagi ng classroom ang tatlong demonyita na nakatitig kay Kyra.
“Bakit? Anong problema?” Tanong ni Kyra kay Carl, Agad namang Pinakita ni Carl ang Slumbook ni Kyra. Tiningnan ng Masama ni Kyra ang tatlo, Agad naman niya itong nilapitan kaya napatayo si Fiel sa kinauupuan niya.
“Kayong tatlo? Napupuno na ako sa inyo ah!” Lumapit na si Fiel sa kanilang apat.
“Oh? Why dear? Ano nanamang porblema mo?” Ipinakita ni Kyra ang Slumbook sa kanila, Biglang hinila ni Lara ang front page ng Slumbook na hawak-hawak ni Kyra.
“Ano ba? Bitawan mo ang Slumbook ko.” Pinagaagawan na nila ang notebook, Nakatingin lang sakanila ang mga kaklase nila, Para silang mga manok na Pinagpupustahan. Hati ang Pusta, Pero halos lahat kay Kyra dahil halos lahat sa Klase ayaw sa tatlong demonyita. Sa sobrang lakas nila, Napunit ang Slumbook, Ang unang pahina ay napunta kay Lara, at ang natitira nito ay kay Kyra. Natatawa nalang si Lara sa nangyari.
“Tang i—“ Biglang dumating ang guro nila, Wala silang choice kundi bumalik sa kanya-kanya nilang upuan, Bumalik sila sa kani-kanilang mga upuan na tila walang nangyari, Balik sa dati ang lahat. Nagumpisa nanaman ang bagong araw.
Pagka uwian, Nilagay nalang ni Kyra ang kwaderno sa kanyang cabinet dahil sa sobrang inis.
^^^^^^^^^^
Kinabukasan, sabay nanamang pumunta sa paaralan nila ang dalawang mag BFF’S. Hindi parin mawala sa isip nilang dalawa ang pagkainis sa nangyari kahapon.
“Bwisit talaga yung Lara na yun eh. Bakit kasi kailangang makialam ng gamit yung babaeng yun eh.” Hanggang sa marating nila ang tindahan kung saan bumibili ng softdrinks si Kyra.
“Anu ba yan, ang aga-aga nag RRc ka.” Kinatok ni Kyra ang kahoy ng tindahan.
“Pabili po.” Sa wakas at dumating na din and tindera na halatang bagong gising pa.
“Ano yun? Ah, RC. Sige kukuha ako.” Alam na ng tindera ang bibilhin ni Kyra, Ilalagay na sana ni kyra ang barya sa bintana ng tindahan ng may biglang may humawak sa kanyang kamay. Tiningnan niya ang babaeng yun, isang matandang babae na naka belo pa.
“Ano pong problema nila?” Pilit na pumipiglas si Kyra ngunit humihigpit ang hawak sa kanya ng dalaga.
“Kailangan niyong sunugin ang Kwaderno, Wag niyong gugupitin ang itim na tela. Babawian kayo ng kamatayan sa pangingialam sa gamit niya. ISA-ISA KAYONG MAMATAY! ISA-ISA KAYONG MAMATAY! ISA ISA KAYONG MAMATAY! ” Nakapiglas din si Kyra sa matanda, tumakbo nalang sila papalayo sa tindahan.
“Ineng. Yung RC mo!” Tila walang nakikita ang tindera sa tapat ng tindahan niyang matandang babae.
BINABASA MO ANG
Slumbook [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSa panahong namamatay na ang pagpapasign sa mga Slumbook. Handa ka bang magsign kung buhay mo na ang kapalit nito?