Andrea's POV
Nagsimula ang lahat last week noong magising ako sa hospital. Akala ko mamamatay na ako pero iyun naman talaga ang balak ko ang magpakamatay. Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang lahat.
Nasa rooftop ako ng isang building namin sa school. Dito kami madalas magkita ng boyfriend kong si Atom Rodriguez. Ito ang aming sweet abode dahil tahimik at malayo sa mapanghusgang mata ng mga tao.
Lagi kaming magkasama ni Atom dito sa mismong pwesto ko kung saan lagi niya akong niyayakap habang nakatingin sa malawak na ground pero ngayon mag-isa ako.
Nakareceived ako ng text kanina galing sa kanya habang nasa klase ako. Sa takot na mahuli na nagtetext, nagpaalam ako na magbabanyo muna.
Doon ko na nabasa na gusto niya ng makipagbreak sakin pero siyempre hindi ako pumayag pero sino bang niloloko ko, alam ko naman kapag lalaki na ang umayaw, wala na akong magagawa kundi ang sumuko na lang at palayain siya.
Hindi ko siya tinigilan ng text at tawag habang walang tigil ang pag-iyak. Nakailang tawag na ako pero hindi niya sinasagot hanggang sa huling ring ng phone niya at hindi ko na talaga makontak ang number niya.
Nakakaramdam na ako na nanlalamig na siya nitong mga nakaraang buwan dahil hindi na siya masyadong nagtetext at parati na din siyang busy. Hindi ko ito pinansin dahil never kong inisip na iniiwasan niya ako kasi okay kami kaya akala ko busy lang talaga siya pero nagkamali ako.
Napaupo ako sa sahig at doon umiyak ng umiyak. Pagkatapos ng ilang minuto napagdesisyunan kong maghilamos at mag-ayos dahil alam ko na konting oras na lang magbebell na para sa recess. Buti na lang mag-isa lang ako ngayon, ayokong may makakita sa akin na nasa ganitong sitwasyon dahil alam kong mag-uusisa lang sila ng mag-uusisa. Pakikialaman nila ang buhay ng iba na dapat wala na silang kinalaman kaya pinili kong maging mag-isa sa rooftop.
BINABASA MO ANG
A Ghost Love Song
RomanceNagising na lang isang araw si Andrea na nakakakita na siya ng mga ligaw na kaluluwa. Hindi pa sana siya maniniwala sa mga nangyayari kung hindi lang na kahit saan siya magpunta ay nakikita niya ang mga ito. Paano niya matatakasan ang mga multong gu...