AGLS 2

0 0 0
                                    

"Hoy! Para ka namang nakakita ng multo! Sa ganda kong 'to, dapat nanlalaki ang mga mata? Makasigaw, nasa tulay lang Teh? Buti na lang natakpan ko yang bunganga mo. Naku! Lagot tayo kay binibining Lagman kung nagkataon." Naghihisteryang sabi ni Mimi sa akin.

"Nakakagulat ka naman kasi friend, bigla ka na lang manghahawak dyan." Reklamo ko pa sa kanya habang pabalik sa aming mesa.

Napalingon pa ako sa bahaging iyon ng library bago ko pinagtuunan ng pansin si Mimi. Sarado na daw pala ang shop kaya hindi siya nakapagpacopy. Agahan na lang daw namin bukas para makahabol kami sa submission.

Habang palabas kami ng gate, may iba na akong nararamdaman. Parang lumamig ang paligid.

"Mimi, wala ka bang nararamdaman?" Tinignan niya lang ako ng may pagtataka.

"Oo, may nararamdaman ako parang.. " Nararamdaman niya din ang lamig? Sabi ko na nga ba may kakaiba eh. Kinakabahan na ako.

"Parang ano mimi?" Natatakot na sabi ko. Madilim na din kasi tapos uuwi pa akong mag-isa.

" Nararamdaman kong parang gutom na ako. Kumakakalam na ang sikmura ko. Tara kain tayo!" Masayang sabi ni mimi. Tsk ano ba yan baka nga gutom lang din ako.

After namin kumain ng fishball sa labasan ay umuwi na ako sa amin.

Maliit lang ang bahay namin kasi dalawa na lang kami ni lola na nakatira dito. Pagdating ko madilim ang bahay, binuksan ko ang ilaw. Baka nagpapahinga na si lola.

Pumunta ako sa kusina buti may natira pang ulam at kanin kaninang umaga kaya iyun na lang ang kinain ko. Pumunta na ako sa kwarto pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinagkainan. Nakita ko si lola natutulog na, ang tanda na pala talaga niya. Ang payat payat niya at halos puti na lahat ang buhok niya. Kawawa naman ang lola ko matanda na masyado na siyang nahihirapan sa buhay. Maaga akong naulila sa magulang, nag-iisang anak lang ako kaya nung maaksidente sila mama nung maliit pa ako, iniwan nila ako kay lola. Mahina na din si lola kaya wala ng ibang mag-aalaga sakanya kundi ako na lang.  Umaasa lang kami sa perang pinapadala ng malayong tiyahin ko na nasa ibang bansa. Buti na lang libre ang senior high kaya kahit papaano nakakapag-aral pa ako. Grade 12 na ako malapit na akong grumaduate. Makakapagtrabaho na din ako at maiaahon sa kahirapan si lola. Kinumutan ko si lola at niyakap.Konting tiis na lang la, makakatikim ka na din ng kaginhawaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Ghost Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon