Way 2. Be Likeable (P.1)

16 1 1
                                    

Sisimulan na natin dito ang mga daan papunta at susugurin na natin ang puso ni CRUSHY..

Kapag nagawa ito, may 1 point ka na kay CRUSH :">

____

TIP NUMBER 1. Be interesting.. 

Courtney POV

"Leon, san club mo?.." tanong ko 

Lalandi muna ako habang wala pang teacher. Lumingon sakin si Leon...

SUGAR HONEY ICED TEA!!! SHET! .... ang gwapong nilalang na bumaba galing langit para lingunin ako :">

"Maraming gustong kumuha sakin, pero hindi pa ako nakapagdecide.." sabi nya at humarap na ulet..

Aw.. 2nd week pa lang well known na agad sya. At iba't ibang clubs pa gustong umangkin sa kanya.. eh kasi naman ihhhhhh.. Yung taglay nyang maskels at yung pagmumuka na sobrang gwapo :">

Ansarap lang pagpantasyahan, haaay. Tama na nga pagnanasa..

"Okay.. tama na usap-usap.." sabi ng teacher na dumating at nagsi-upo ang lahat..

Ako naman nakatingin parin kay Oh so gwapong Leon Tyro..

"So, what clubs are you in class?" tanong ng teacher.. at nagsimulang magbulong-bulungan..

"San kaya ako?.. Drama theater?.. Ikaw ba?"

"Artist club?.."

"Tol, san ka?"

"Ewan ko ba.. kung san may mga chix"

"Pare, sa drama theater."

"Tama, pre. dun ka! mga bakla dun eh."

"Ulol ka talaga.."

Mga suggest nila..

"Okay.. ssshh na. Sino sa Artist?" tanong ng teacher.. May isang nagtaas..

"Math wizard sino-sino?" tanong pa ng teacher, may ilang nagtaas..

Pero di parin nagtatas tong si Leon, kung saan ako dun sya..

"Sa English communication club? meron ba?" tanong pa ng teacher, maraming nagtaas..

"Sports?.." tanong pa.. maraming ring nagtaas.

Ano ba balak ni Leon sa buhay nya? Ba't di parin nagtataas? Di lang nagdeodorant teh, kaya ayaw magtaas?..

Stairway to CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon