Way 7. Getting your CRUSH attention

19 1 0
                                    

Tip: BE DIFFERENT

Keana POV

Kailangan ko magpadala kila Nanay. May sakit si bunso.. Pero kulang tong sweldo ko araw-araw, halos baon ko nga lang to eh.. Tumigil na kaya ako sa pag-aaral...

"Ms. Keana?..."

Haay. Sobrang lalim na ng iniisip ko, pero pano ko to masusulusyonan? Wala pang napapainom si Nanay ng gamot kay bunso..

"Ms. Keana? Are you okay?.." 

Pero sabi ni Nanay, wag daw ako mag-alala dahil may herbal medicine daw syang pinapainom kay bunso..

"Ms. Keana?!..."

Ano namang herbal yun na parang gusto ng sambahin ni Nanay, dahil nakakapagpagaling daw.. Sus! sa modernong panahon na'to, taga-bundok parin ang isip ni Nanay.. Hay. Umuwi kaya ako ng probinsya?...

Pero pano yung scholar ko?..

Kawawa naman si Bunso..

"KEANA!!!"

"AY BUNSO!!!" nagulat ako.. ( O___O)

"Yes ma'am!" sabi ko at napatayo sa taranta..

Hay nakalimutan ko nandito nga pala ako sa school para mag-aral ( ----.---) nakakahiya.. 

Napatingin ako kay Ryo.. ( TT___TT) nakakahiya to. Nakatingin rin sya sakin..

I mean.. lahat sila nakatingin sakin..

"Are you daydreaming, Ms.Keana?" tanong ng walang kasing sunget kong teacher ( ---.--)

"N-No Ma'am.." sagot ko..

"Are you sure?.." tanong pa nya..

Ano ba yan! DayDreaming ba kamo?.. Eh namomoblema na nga ako kung saan ako kukuha ng kwarta para sa kapatid ko, magagawa ko pa bang magdaydream na yan.. Putnyagis lang teh?..

"Yes Ma'am..." sagot ko.. at nakatingin lang sya sakin after ko sumagot at gayun din ako.. Kung titigan pala gusto ng mangkukulam na'to eh pagbibigyan ko..

"Is that so.. Okay, let's get back to our discussion... Asgfdsdsfj meow meow, arf arf, kokaaaaaaak, kokaaaaaaaaak," Nagdiscuss na ulet sya..

Sus! Kahit naman walang magturo sakin, alam na alam ko na yang tinuturo nya. Ano ba tong pinasukan ko pang-kinder?.. Kaya pala yung teacher, muka pang-mangkukulam, height pang-kinder..

(Lunch)

Haaaaaaaay.. nagdadalawang isip ako kung gagastusin ko ba'tong baon na'to. O ipadala ko nalang kay Nanay pantustos..

Gruuuu~

Pero putcha... nagwawala na yung sampung bituka ko sa tyan ( TT__TT ) Kung wala lang sakit si bunso eh..

Napalunok nalang ako sa mga kinakain ng mga kamag-aaral ko.. HOY! hindi naman ako pulubi, nagtitipid lang! Pito kasi kaming magkakapatid, ako pangalawa kaya kelangan kong tulungan ang iba ko pang mga kapatid..

Nakaupo ako sa bakanteng lamesa dito sa canteen, nagtatatlong isip kung: a.bibili ng masarap na pagkain b.ipapadala kay Nanay para kay bunso c.bibili nalang TALAGA ng pagkain..

Hay! hirap magdecide

Gruuuuuu~

Awwwwwww! ( TT___TT ) ansakit na talaga ng tyan ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stairway to CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon