Don't Say Goodbye

43 2 0
                                    

~Don't Say Goodbye

Modelo Pilipinas, isang kompanyang kilala ngayon sa rasong maraming magagandang proyekto at modelo ang narito.. Hindi ikakailang maganda talaga ang mga proyekto rito.. Marami na rin ang nagsabi na maganda ang pinatutungahan ng mga iyon.. Dahil sa kasikatan nito, inutusan silang gumawa ng isang malaking proyekto,gagawa sila ng isang pelikula tungkol sa pag-ibig dahil sa nalalapit na "Valentines Day" .. Layunin din nila makilala sa ibang bansa kaya nila plano gumawa nito..

Napagdesisyunan nilang gamiting aktor ang pinakasikat nilang modelong lalaki na nangangalang "Zygel Nheo Fenwick".. Isang Kalahating Amerikano at kalahating Pilipino.. Wala namang tumutol rito sa rasong magaling ngang umarte ang binata ngunit hindi pa ito nagtatapos doon.. May problema pa rin ang kompanya... Wala pa silang napipiling modelo na siyang gaganap bilang lead actress ng sinabing palabas.Bakit? Dahil na rin kay Zygel.. Masasabi mo na agad ang rason kung bakit, kapag mapapanuod mo ang mga komersyal ng binata.. Hindi kasi siya nagpapakita ng sinasabi nating word na CARE sa harapan ng babae.. Wala itong pakielam basta siya matapos niya ang proyekto at makauwi na sa kanyang apartment.. Dahil rito, walang gustong sumama at makpag-pair sa binata.. Bakit ayaw ni Zygel sa mga babae? Isa lamang ang rason. Iniwan siya pati na ang kanyang tatay ng kanyang ina sa rasong mayroon itong iba.. Simula noon hindi na nagpakita pa ng interes sa babae ang binata..

Nang dahil rito, napaisip ng solusyon ang kanilang Manager... Isang mahirap na solusyon na maaaring tanggihan ito ng aktor pati na ng ama nito....

Isang araw,nag-usap ang manager ni Zygel at ang kanyang Tatay upang pag-usapan ang kanilang proyekto..

(Manager's Officice)

Manager: So, balak po namin ipasok si Zygel sa St. Scolastica Academy for Girls.

Tatay: Academy for Girls?! Anong tingin niyo sa anak ko girl?!

Manager: Sir, yun lang po ang naisip kong solusyon para masimulan na agad ang palabas... Next month na po kasi ang deadline nito..

Tatay: Kapag ginawa natin to, nakasalalay rin ang imahe ng anak ko roon.. Maaaring kumalat ito kapag hindi tayo nag-ingat..

Manager: Kaya nga po magiingat tayo..Bibigyan po namin ng special training si Zygel kung paano umakto bilang babae.. Doon lang po kasi ang lugar kung saan tayo makakakita ng matinong binibini na siyang pwedeng gamiting aktres sa sinabing palabas..

Tatay: Bakit kasi kailangan pang ganoon ang naturing na palabas. Pwede namang aksyon na lang.. 

Manager: Kapag po kasi aksyon, konti lang po ang maipapakitang products na pambabae. Kailangan rin po natin i-promote ang proyekto para sa mga pambabae..At yung proyekto po namin ay ibabase sa dadating na "Valentines Day".

Tatay: (Nagbuntong hininga) Huwag kayo manghingi ng permiso sa akin.. Sa kanya dapat. Siya naman kasi ang gagawa nito.. Tanging hiling ko lamang ay panglagaan niyo ang anak ko.. Ayokong masira ang pangalan niya ng dahil lamang doon...

Manager: Makakaasa po kayo sa akin..Salamat po sa Cooperation.

Pagkatapos nilang mag-usap agad na tumungo ang kanilang Manager sa binata upang komprantahin tungkol sa sinabing plano..Pagkadating na pagkadating nito sa apartment ni Zygel agaran niyang pinaliwanag ang plano.. Katulad ng nasa isip niya, hindi nga agad pumayag ang binata tungkol rito..

Don't Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon