Ayan na ang kalikasan
Bumabawi na sa ating kalupitan
Mga puno'y nagbagsakan
Nagsimula na ang bagyong di inaasahan
Hangin dito, hangin doon
Baha dito, baha doon
Ulan dito, ulan doon
Eto na ang himagsik ng masungit na panahon
Kay raming namatay
Mga pamilyang nagkawalay-walay
Maraming nasaktan at nawalan ng buhay
Walang makain at matitirhang bahay
Sila'y ka awa awa
Bukod pa sa pagkain
Problema din ang tubig na iinumin
Pangsipilyo at pangligo na rin
Dahil sa Bagyong YOLANDA
Maraming nawala
Maraming nasira
Maraming nagdusa
Kapag ang kalikasan ang bumawi
Buhay ang kapalit
Walang pinipili
Bigla-biglang sasapit
Anung magagawa natin, ngayo'y umalis na
Di ba't tayo'y babangon para sa bagong pag asa
Kakalimutan ito at na parang isang masamang bangungot
At sabay sabay tayong ngingiti pagkatapos ng isang bagyong masalimoot
Sama sama tayong harapin ang bagong kinabukasan
Ako , ikaw o tayong lahat
Dapat magtulungan
Kahit konting donasyon para sakanilang pangangailangan
Sa mga nagbabasa nito
Ako'y umaasa
Na sana may magawa kayo
Dahil sa pagkaka alam ko, ang mga PILIPINO ay mga taong mabubusilak ang puso.
**
A\N : #BangonPilipinas Tayo po ay magdonate at magdasal sa mga nasalanta ng bagyo (-/\-)
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
POEMS
PoetryGinawa ko lang to, kasi dito ko ilalagay lahat ng hinanakit ko sa buhay ko. Now, if ever makakarelate kayo. Just comment and vote. Para naman malaman kong hindi ako nag-iisa at may karamay ako. *O* Pwede din naman kayo magpost sa MB ko kung gusto ni...