**PUSO ANG HUMUSGA**Series-1

66 0 0
                                    

**PUSO ANG HUMUSGA**

( Series-1 )

WRITTEN BY:Jhyne Juntilla

 

CHAPTER 4

Samantalang si Divlen, palapit na sana siya sa isang holdaper subalit napansin siya nito.

"Shiiit!!!!parak!!!ani ng lalake sabay putok ng kanyang baril,naka kubli naman si Divlen, ng gumanti ito sa pag baril,natamaan ang lalake,at napuruhan ang dibdib dahilan upang agad namatay ang ang holdaper.

Dahil sa Putok ng baril,nag panic ang mga Customer na ginawang hostage,kanya- kanyang sigawan ang mga ito.

"Tumahimik kayo!!!!kung ayaw ninyong pasabugan ko kayo ng granada.!!!!"utos ng leader ng mga holdaper.

"Iking,Tanggogoy,puntahan ninyo kung saan galing ang putok!!"utos ng leader at agad namang kumilos ang dalawang tinawag..

"Iking,doon ka sa kabila,"ani ng isang lalake sa kanyang kasama.nag hiwalay ang dalawang lalake.Nakita naman ito nila Jester at Divlen,kaya sininyasan niya si Divlen na salubongin ang isa.

"Pssitt.....!!!tawag ni Divlen sa isang lalake, kaya agad naman itong lumingon sa pinanggalingan ng sit-sit.

Pag kalapit ng lalake.agad itong sinipa ni Divlen,at pinag susuntok, hanggang sa mawalan ito ng malay,nag madali naman siyang lumakad para mailigtas ang mga hostages.

Samantalang si Jester ,nakaharap naman niya ang isang lalake,akmang babarilin na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang baril at tinanggal ang magazin,sabay palo sa ulo ng lalake.siniguro muna ni Inspector Navarro, na hindi na huminga ang lalake,saka niya ito iniwan.

Hanggang sa dalawa nalang ang naiwan sa mga holdaper,lalapit na sana sila inspector Navvaro at Divlen sa kinaruruonan ng dalawang kalaban,pero bigla silang pinapaputukan ng dalawang lalake,agad naman silang naka pag kubli,pumwesto naman si inspector Navarro.Dumapa ito sa sahig,at sinuguro niya na mataan ang isang lalake.ng nakasiguro ito na matamaan, agad naman niyang kinalabit ang kanyang baril.Natamaan ang isang lalake sa noo.

Nang,makita ng leader na siya nalang mag isa,hinila niya ang isang batang babae.

"Hali ka dito!!!"ani ng leader.

"Wag po,maawa kayo sa anak ko...huhuhuh...."sigaw ng ina ng bata,na halos makipag agawan pa ito.

"Tumigil ka!!!"baka ikaw ang unahin ko!!"galit sa sambit ng holdaper.

"Anak koooo......huhuhu......"

"Mama,tulongan mo akoooo....."sigaw ng bata habang umiiyak..

"Wag kayong lumapit!kung ayaw n'yong patayin ko itong bata!"ani ng holdaper,

Pero hindi nakinig si inspector Navarro,dahan-dahan itong lumapit na nakatutuk ang baril sa holdaper.

"Sabing wag kang lumapit!!"sabay kasa ng kanyang baril at itinutok sa ulo ng bata,kaya lalong nag sisigaw ang ina ng bata....itinaas naman ni Jester ang isa niyang kamay,at tinanggalan ng magazin ang kanyang baril.at ibinaba niya ito sa sahig.

"Bitawan mo ang bata!ano ba ang gusto mo?"ani Jester.

"Kailangan ko ng sasakyan!Patakasin n'yo ako.!"ani ng holdaper

Pero hindi alam ng Holdaper na dahan-dahan ng nakalapit si Divlen sa kanyang likuran.

"Yan lang ba ang Kailangan mo?"Tanong ni Jheck.

"Oo,'yan lang!!"

"Sige pakawalan mo muna yang bata."ani Jester

"Hah!!ano ako bobo!!!pag pinakawalan ko ito siguradong patayin mo ako."

**PUSO ANG HUMUSGA**Series-1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon