**PUSO ANG HUMUSGA**Series-1

104 4 1
                                    

**PUSO ANG HUMUSGA**

( Series-1 )

WRITTEN BY:Jhyne Juntilla

CHAPTER 5

DAHIL sa pamumutla ni Jester,napilitan nilang mag punta sa Doctor para masuri ang kanyang kalusugan.

PAG dating nila sa hospital,hinintay muna nila na patapos ang isang pasyenteng nauna sa kanila.

"Pakner okay ka lang ba?Ano nahihilo ka pa ba?tanong ni Divlen.

"Hindi okay pakner,kasi ang sama parin nang pakiramdam ko"sagot ni Jester.

Gusto sanang sabihin ni Divlen na baka buntis siya,pero gusto niya na malaman talaga galing sa kanilang private Doctor na si Dra.Angel Marie Seribo,isa ito sa kanilang matalik na kaibigan at kaklase sa kuliheyo,tulad din nila,still single.........

"Inspector Navarro?"tawag na isang assistant nurse ni Dra.Seribo.

"Yes!"sagot ni Jester.

"Ahhh...pwede na po kayong pumasok.hinihintay na po kayo ni Dra."

"Okay!thanks."inalalayan siya ng kanyang pinsan habang naglalakad,hanggang sa naka pasok na sila.

"Oh...Anong nangyari sa stone woman?"pagbibiro ni Dra.Seribo.dahil kilalang kila niya ang kaibigan.mula pa college,na pusong bato ito.walang pakialam sa mga lalake.

"Hito natamaan ng tidal wave,kaya hinimatay."pag bibirong sagot ni Divlen habang naka ngisi ito..

Sinimulan ni Dra.Seribo ang pag interview sa kanyanng pasyente.Tinatanong siya tungkol sa kanyang naramdaman.sinabi naman ni Jester na kanina lang ito nangyari,na hindi niya maipaliwanag ang pagsakit ng kanyang tiyan,at ang pagkahilo niya.Sinuri ni Dra.Angel ang kanyang mata,tainga,bibig,pati ang kanyang temperatura,blood pressure.Dahil sa walang makitang infection ang Dra.kaya kinunan siya ng blood sample at agad itong dinala sa laboratory,pagkatapos makuhanan pinahintay muna sila ng ilang minuto.kaya naisipan muna nilang mag tea,at mag kwentohan.

Pagkalipas ng kalahating oras dumating ang assistant nurse ni Dra.Seribo, bitbit ang resultang nakalagay sa envelope na puti at inabot niya kaagad sa Dra.binuksan agad ng Dra.at binasa niya ito.Shocking man si Dra.Seribo sa result,pero na tuwa na rin ito,pero ang ipinagtataka lang niya bakit na buntis na wala naman itong boyfriend.

"Dra.ano ang result?"pukaw ni Divlen sa Dra.na parang naging bato.

"Huhh!!!ano ang tanong mo Div?"ani Dra.Seribo.

"Sabi ko ano ang resulta?"pag uulit ni Divlen sa tanong.

"Hhhhmmmmm.....'CONGRATULATION'inspector Navarro! you're two months pregnant"ani Dra.

"WHATTT!!!!!!"big shocking naman si Jester sa narinig..Dahil hindi man lang niya naisip na pwede palang mag bunga ang isang gabing kaligayahan..Pero si Divlen sobrang natuwa sa narinig. samantalang si Jester tulala parin.

"Oh ano,inspector Navarro,wag mo akong kalimutang ninang ha."ani Dra.Angel.pero parang walang narinig si Jester.

"Pakner!maging Mommy kana....!!!"sabi ni Divlen sabay yakap niya sa kanyang pinsan.

"Pero saan si Daddy?"tanong ni Dra.Angel.Tumawa si Divlen at ikinikwento ang nangyari sa Davao.Tumawa naman ang Dra.dahil sa kapilyohan ni Inspector Navarro.

"Ito inumin mo ang mga iniresita ko sayo ha,at wag masyadong mag puyat,lahat ng gusto mong kainin kainin mo.lalo na yung mga protas importate sa baby yun,at wag masyadong mag buhat ng mabigat,every first week of the Month bumalik ka sa akin.para sa prenatal mo."paliwanag ni Dra.Angel.Tumango naman si Jester at saka nag paalam na sila.

PAG dating sa Condo.tulalang humiga si Jester sa kanyang kama,nakatitig ito sa kawalan,sabay haplos ng kanyang maliit pa ni tiyan.

"Pangako baby.aalagaan kita sa abot ng aking makakaya,kahit wala kang magisnang Daddy mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko."ani Jester,at naalala na naman niya ang kanyang Mama.

"Ma,kung nandito ka lang, tiyak ko na magiging masaya ka dahil magka apo kana.Pangako Mama,mamahalin ko ang batang ito,at ituro ko sa kanya ang mga itinuro mo sa akin noon,kung paano ang magiging isang mabuting Anak"dagdag pa ni jester sabay agos ng kanyang mga luha.Tamang tama naman sa pag pasok ni Divlen sa kanyang kwarto.

"Pakner,makakasama yan sa bata,kailangan lagi kang masaya."ani Divlen,at agad naman niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"Naalala ko lang si Mama pakner,kung buhay lang sana siya.matutuwa yun,kasi mag kaapo na siya."

"Oo,nga pakner,pero hayaan mo dito naman ako na isa rin sa magiging masaya kasi magkapamangkin na ako.Maiba tayo pakner,wala kabang pinag sisihan sa nangyari?tanong ni Divlen.

"Wala pakner,kasi kagustuhan ko ang nagyari.at isa itong biyaya ng Langit sa akin."sagot ni Jester,kaya mamahalin ko ito ng higit pa sa buhay ko."ani Jester.

"Eh..how about Daddy!Hindi mo ba siya hahanapin?"tanong ng kanyang pinsan.

"Hindi pakner, wala akong balak na hanapin siya at wala rin akong balak na ipaalam ito sa kanya.Dahil hindi natin alam baka may asawa pa yun."ani Jester .

Kahit buntis ay nag trabaho parin si Jester,dahil para sa kanya hindi hadlang sa trabaho niya ang pagdadala ng tao,at iwan ba niya kung bakit sobra ang kanyang sipag pag dating sa trabaho na sa pag kakaalam niya pag buntis ang isang babae,ay madali itong mapagod,at panay tulog,pero siya hito nalilibang sa pag tatrabaho.pakiramdam tuloy niya baka mas matapang pa ang kanyang anak kay sa Ina.

"Hoy!pakner,dahan dahan naman sa mga pinag gagawa mo baka mapa ano pa yang baby,ako ang kinakabahan sayo eh."pag sasaway ni Divlen.

"Okay lang ako pakner,iwan ko ba kung bakit sobra kong ganado sa pag tatrabaho.parang ayaw akong patigilin nitong nasa tiyan ko."sagot naman ni Jester sabay haplos ng kanyang maliit na tiyan.

Matulin ang pag takbo ng mga buwan.Four Months na ang bata sa kanyang sina pupunan.Dahil first baby hindi gaanong malaki.ang kanyang tiyan.

Isang araw sa kanyang office.hindi niya inaasahan na may bag delever sa kanya ng isang basket na bulaklak.

"Saan ito galing?"tanong niya sa delivery boy.

"Hindi ko alam ma'am,inutusan lang po ako ng isang gwapong lalake."sagot ng boy.at pinirmahan niya ang recieving book, agad naman niyang binasa ang card.

"Hi,Mis.inspector Navarro.I know you don't know me,but i really admire you....If you like to know me.Tomorrow night 8pm.hihintayin kita sa loob ng restaurant for dinner..........Collin Fernandez."

Nagtaka si Jester kung paano siya nakilala ng lalake.Sa isip niya darating siya sa lugar,para alamin kung ano ang pakay na lalake.Agad naman niyang ibinalita sa kanyang pinsan.ang tungkol sa lalake.Kahit ang kanyang pakner ay nag tataka din........

BAGO sila umulis ng condo kinabukasan ng gabi, naka set up na ang lahat kung ano ang gagawin nilang dalawa.

Naka suot si Divlen ng isang sexy blouse.with blazer,at slacks naman sa ibaba,with matching boots na mahaba ang takong,at sa ilalim nito may maliit na baril na naka belt sa kanyang hita.

SAMANTALANG si Jester, simple lang ang suot nito sleeveless na kulay pink with blazer at mini skirt naman sa pang ibaba.with matching high-heels,at bitbit niya ang kanyang maliit na sexy party bag,na ang laman ay ang kanyang baril.

Papasok na siya sa isang restaurant at palinga linga siya sa paligid sinusuri kung may kahina-hinala ba sa paligid.at saka siya lumapit sa receptionist....

"Mis.maitanong ko lang kung may nag pa reserve ba dito Collin Fernandez ang pangala ?"tanong ni Jester.

"Sandali lang po ma'am e check ko lang po."sabay kuha ng receptionist sa log book."Yes...Ma'am.meron po,table 58 po."sabi ng receptionist.

"Okay!thank you so much."

"Welcome and enjoy your dinner."ani receptionist.

Tinungo ni Jester ang table kung saan ang sinabi.Pag dating niya wala pa ang lalake,agad naman niyang nilagay ang baril sa ilalim ng table********ITUTULOY******

EXCLUSIVE BY:http//www.facebook.com/-TheJhyneBookSeries

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

**PUSO ANG HUMUSGA**Series-1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon