Chapter One:
First EncounterCaira's Point Of View
Naglakakad ako ngayon papasok sa Clarkson University. Hay! Malapit na pala ang intramurals namin kailangan ko na ring maghanda.
Habang naglakalakad at nagmumuni muni may namataan akong isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad ko lang at nakasuot din siya ng uniform na katulad ng design ng sa akin. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito, siguro transferee pero grabe naman, mag i intrams na ngayon niya pa naisipang mag transfer? Lakas din naman ng tama niya.
Pagpasok ko sa gate, namataan ko na agad ang nag iisa kong bestfriend na si Aira. Yup! Isa lang ang bestfriend ko, at kung tatanungin niyo kung bakit? Well, ask trust issues. -_-
Kinawayan niya ako at nagtatakbo patungo sa direksyon ko.
"Ikaw babae ka! Ang tagal tagal mo nanaman akong pinaghintay! Sabi ko agahan mo eh! Nabasa mo ba yung text ko sayo?!" bungad niya sakin pagkalapit na pagkalapit niya pa lang.
Nag make face na lang ako at hinila na siya papunta sa room namin.
***
"Saan tayo kakain?" tanong ko kay Aira habang nagliligpit siya ng gamit. Kahit kailan talaga ang kupad kupad nito kumilos! Kaka dismiss pa lang sa amin ng prof at recess time na.
"Sa canteen na lang. Naubos na allowance ko dahil sa pagsho-shopping eh, pero kung ayaw mo naman sa canteen, no choice ka kundi ilibre na lang ako." sabay sukbit niya ng bag niya at hila sa kamay ko.
"Tara! Alam ko namang ayaw mo sa mga pagkain sa canteen at gusto mo lagi sa Mcdo kaya ilibre mo na lang ako!" Kapal talaga ng babaeng to. -_-
Nang makarating kami sa Mcdo which is malapit lang sa University, naghanap na agad kami ng mauupuan kaso lahat puno na. Marami rin kasing mga estudyanteng dito naglu lunch, mostly rich kids. -,- Hay. Ang bagal bagal naman kasi nitong si Aira eh, yan tuloy naubusan na kami ng mauupuan!
"Hays! Ano ba yan! Wala ng maupuan! Nagugutom na koo!" -Aira
Napasinghal na lang ako, kala mo siya lang gutom! Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong lalaki na nag iisang kumakain at pwede naman kaming maki share sa kanya kaya tinuro ko yun kay Aira.
"Yees! Makishare na lang tayo! Gutom na talaga ako!"
"Hays. Bagal mo kasi kanina eh! Pasalamat ka may pwede pa tayong maupuan. Ikaw na mag order ah! Baka naman ako pa pag orderin mo! Ililibre na nga kita!"
BINABASA MO ANG
WANTED: SOMEONE TO LOVE ME
RomanceSi Caira, isang simpleng estudyanteng naniniwala sa forever. Wala siyang ibang inatupag sa buhay kundi panonood ng romance movies, pagbabasa ng wattpad, pang-iistalk sa mga crush niya sa school at paghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo in...