Wanted: Someone To Love Me
PROLOGUECaira's Point Of View
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Huhuhu! Nanonood kasi akong Titanic at nandun na ako sa part na namatay na si Jack.
Waah! Bakit namatay si Jack! Nakakainis naman yung direktor ng movie nito! Crush ko pa naman si Jack! Huhuhu.
Sana pinaubaya niya na lang sakin si Jack kung papatayin niya lang naman pala! Hmp!
Okaaay! Stop muna sa kadramahan! XD Magpapakilala muna ako.
My name is Caira Madelaine Galvez. 17 years old at nag aaral sa Clarkson University. Nakatira ako sa Woodson Bridge, yan pangalan ng maliit na town na tinitirhan ko dahil dadaan ka muna sa Woodson Bridge bago ka makatungtong sa mismong downtown area ng bayan. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store sa gabi dahil uhm, medyo kapos kami ng pamilya ko kaya kailangan ko pang mag working student. So, to cut the long introduction short I'm just a simple girl with a simple dream and that is to meet my Prince Charming.
Kahit mahirap lang kami, hindi yun naging hadlang para maging masaya kami. Nasaksihan ko kung paano nagtutulungan si Mama at Papa para lang maitaguyod ang pag aaral namin ng dalawa ko pang kapatid. Nasaksihan ko kung paano nila kayanin ang hirap, at higit sa lahat nasaksihan ko kung paano sila magmahalan. Yung kahit pagod na pagod sila galing sa trabaho, parang bigla na lang yun mawawala kapag magkayap na silang natutulog sa kama.
Hay! Sana makahanap rin ako ng magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal ni Papa kay Mama.
Yung tipong ako lang, yung hindi ako iiwan, yung magmamahal sa akin ng tapat at totoo.
Hay Prince Charming, nasaan ka na ba?
×××
A/N:
Pagpasensyahan na kung ang lame. Hahahaha! It's my first story so please bear with it! Hahahaha!Kindly Vote and Comment :)
BINABASA MO ANG
WANTED: SOMEONE TO LOVE ME
Storie d'amoreSi Caira, isang simpleng estudyanteng naniniwala sa forever. Wala siyang ibang inatupag sa buhay kundi panonood ng romance movies, pagbabasa ng wattpad, pang-iistalk sa mga crush niya sa school at paghahanap ng taong magmamahal sa kanya ng totoo in...