Prologue

29 1 1
                                    

"Bakit ba ako yung minahal mo? Meron naman diyang iba na mas higit sa akin, mas matapang at mas mapagmahal. 'Yung tipong maipagmamalaki mo sa iba kapag lumalabas kayo. Hindi tulad ko, isang pabigat."

Inakay ko ang wheelchair niya papalapit sa akin. Inalis ko ang bonnet sa kanyang ulo. Masuyo kong hinaplos ang kanyang pisngi at tinitigan ang kanyang mata--- ang mga mata na nagtatago ng napakaraming sakit at pagdurusa. Ang mga matang nagpakita sa akin ng tunay na kulay ng pag-ibig. Ang mga matang minahal ko.

"Kahit kailan ay hindi ka magiging isang pabigat kasi kahit kailan ay hindi titigil ang puso ko na pagalitan ang aking isip at katawan kapag gusto na nitong sumuko."

Isang halik ang ginawad ko sa kanyang mga labi na alam kong kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan.

"Kahit kailan ay hindi kita ikakahiya kasi mas matapang ka sa kahit sino man. Hindi ako tulad ni Delilah na ipinagkanulo at iniwan si Samson, ako lang naman si Celestine na mamahalin ka nang walang hanggang. Kaya please don't push me away."

"Baby, I'm not pushing you away. Ayoko lang na masayang ang buhay mo sa piling ko. I don't want you to grow old regretting that you stayed with me. May iba ka namang choice at kahit gaano man 'yun kasakit, i-intindihin ko pa rin kasi mahal kita higit pa sa inaakala mo."

"You were and will always be the happiest part of my life that I won't stop rewinding if ever. Alam kong mas pagsisihan ko kapag iniwan kita kasi I left my heart with you. Ayoko ko namang tumanda ng walang puso."

Hinaplos niya ang buhok ko and rested his face in my left shoulder. I could feel his warm breath and it gives me blissful chills.

"Sana nakilala kita noon pa man. E 'di sana mas minahal na kita ng mas matagal. Haist, I never imagined that I could love someone like this, more than I ever did."

I patted his back so that he can feel that I consoles him.

"Hindi natin hawak ang oras, may mga bagay na mawawala o darating pero ang kailangan lang natin gawin ay magpakatatag. This world wasn't made for a coward one kaya naman this world deserves and needs you, Ashton.

I heard him yawned and his breathing became troubled.

" Sana nga kaya ko pa... Sana nga kaya pa natin..."

After saying that, His breathing became relaxed and next thing that I knew, he's already sleeping peacefully in my shoulder.

"Ashton, we can get through on this. Even though you already want to let go of my hand, I'll still hold on kahit maiwanan pa ako sa ere. Mahal kita at walang kahit na anumang sakit ang papatay sa nararamdaman kong ito, kaya kapit lang."

~~~

Glimpse Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon