~~
(Celestine Ramirez)
"Anak, Good Morning." Dahan dahan Kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang malumanay na boses ng aking pinakamamahal na ina.
Bibigyan ko sana siya ng halik sa pisngi ng may maalala ko.
2 years na pala. Simula ng mangyari yun. Simula nang mawala siya.
Malakas ako napabuntong hiniga saka ipinilig ang aking ulo. Tama na muna ang emo Celestine, mas nakakalungkot at nakakatakot ang mangyayari kung hindi ka pa gagalaw diyan.
"Good Morning din po Mama." Tumayo na ako at pinatay ang alarm na kung saan boses ni Mama ang ginawa kong ringtone. Gustong gusto ko na naririnig ang malamyos niyang tinig sa kada umagang magigising ako.
Nakakaginhawa. Parang buo na agad ang araw ko.
Hay Mama.
Dali dali akong nag hilamos at nag ayos ng aking higaan. Mabilis na akong kumikilos dahil alam kong ito na ang susunod..
"Celestine! Gumising ka na! Walang hiya ka talaga! Huwag ka nang mag pakasarap ng tulog diyan!" Galit na sigaw ng Auntie Maggie ko.
Here we go again..
"Oo na po! Ito na." malakas na sabi ko habang mabilis na bumababa ng hagdan.
Nadatnan ko siyang nakatayo sa gilid ng sofa, nakapameywang habang pulang pula sa galit. Nakaupo naman sa sofa yung dalawa niyang anak na babae. Maarte ang mga ito na naglilinis ng kanilang nga kuko habang nagsusupil ng mga ngiti.
Ay nga naman talaga oh. Mahirap talaga ang buhay pag may mga mangkukulam kang kasama. Ang sarap magsagawa ng witch trial ngayon eh nang matuwid na ang mga gulo nilang buhok pati na mga bulok na pagkatao.
"Bakit ba ang bagal bagal mo ha? Anong oras na? Mag a ala singko na ng madaling araw! Bobo ka talagang babae ka! Hindi pa din ba nahahanap yang utak mo?" pakasabi niya nun ay malakas na nagtawanan na yung mga bruhang alagad ni Ursula.
Hay naku talaga, ang sarap tanggalan nang mga ngala ngala. Pasalamat sila mahaba ang pasensiya ko kung hindi pinalipad ko na sila gamit ang mga walis dito sa bahay.
Hinila na ako ni Auntie Maggie nang malakas papuntang kusina habang dinig na dinig ko pa din ang mga tawanan nila dun. Tss. Mamurder sana mga kuko niyo nang lumabas na ang mga tinta niyo.
Nang makarating kami sa kusina ay marahas niya akong pinaharap sa lababo. Tumambad sa akin ang napakaraming hugasin.
Sheet of paper. Ano naman ang ginawa ng dalawang yun? Arggh!
"Hugasan mo lahat yan, magluto ka na rin. Pakatapos plantsahin mo yung mga uniporme namin. Bilisan mo traffic masyado ngayon." Sunod sunod na utos niya.
"Pero Teka-- Nahugasan at nalinisan ko na po to lahat kagabi eh!" paliwanag ko.
Nag potion making na naman ba sila? Arrgh! Bakit ako ang maglilinis? Hindi naman ang naghasik dito eh.
"Eh sa nag aral mag luto si Cristy para sa practical nila mamaya eh! Nag rereklamo ka ba?" Nakataas kilay na tanong niya.
What? Nag Aral? Kailan pa?
Ghost student nga lang ata yan eh.
Magpaparamdam sa school kung kelan niya gusto. Ewan ko ba kung papaano yan nakakapasa eh."Hindi naman po sa ganun--kaso nakakapagod din po mag paulit ulit ng gagaw---" Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang hilahin ang buhok ko ng malakas.
"Nag rereklamo ka ngang Babae ka! Wala kang utang na loob! Pakatapos ng lahat ng pag papalamon at pag papatira ko sa inyong mag kapatid, Susuwayin mo ko!?"
BINABASA MO ANG
Glimpse Of Time
ChickLit~ 💕 Kapag nagmahal ka dapat handa kang lumaban. Dapat hindi ka susuko. Pero kaya mo pa rin bang magpatuloy kung mismong oras na ang kalaban niyo?Hanggang saan kayo dadalhin ng pagmamahal kung sa una palang ay dapat huminto ka na? What will you do...