Chapter 10 | Robbie

12 0 0
                                    

Ramdam ko eh.

Hindi naman ako manhid.

Ramdam ko na awa lang yun kaya pumayag si Dara. Pero alam ko at kaya ko pang baguhin ang isip niya.

Oo noong una nahihiya ako sa kanya pero hindi ko mapigilang umamin kaya ayun. Tapos nung nalaman ko pa na "kunyari" daw ako yung boyfriend niya...

Aba kinilig din ako dun ah.

Kinikilig din naman ang mga lalake. Hindi naman kami robot!

Ang pinagkaiba nga lang hindi kami nanghahampas at nananabunot pag kinikilig.

Kahit kunyari lang yun at ginamit niya ako para iwasan yung mayabang na Alex na yun okay lang sakin.

Kasi kahit ano gagawin ko para kay Darlene.

Marami na akong babaeng niligawan at MAS marami namang babaeng nagreject sakin :'(

Kaya ayoko na ulit maulit yon kasi sawa na ako ng laging nasasktan.

This time, i promise na may sasagot sakin at hindi na ako mababasted! At si Dara yun.

Alam niyo memorize ko na ang pasikotsikot sa panliligaw mahigit ata 20 na ang naliligawan ko pero mga nasa 4 lang ang sumagot!

Hindi naman ako ganun kapangit ah? In fact kabilang ako sa mga naggagwapuhang estudyante sa institusyon na to!

Ang gusto kasi ng mga babae ngayon yung bad boy, yung maangas, yung rebelde yun bang mga mukhang adik na parang laging may lamay dahil all black ang japorms.

Ganun? Ganyan? Ayaw niyo ba sa mga totoong lalakeng magmamahal sa inyo at aalagaan kayo? Pinapahirapan pa ang sariling makipagsiksikan sa lalakeng maraming chix eh.

Nakakapagtaka naman no kung bakit 4 lang yung sumagot sakin kung mabait ako, matino, matalino at gentleman.

Ang sabi kasi ng mga past girlfriends ko gusto daw nila ng challenge yung lalakeng may bad side may thrill daw. So ano to? Movie? Rides sa EK? -.- hindi man lang naappreciate ang effort ko kaya wag na kayong magtaka kung bakit 2 months lang ang pinakamatagal na relationship ko!

Oo hopeless romantic ako pero si Dara ang nagbigay sakin ng new hope. Yun oh! Hahahaha

Pero gulonggulo talaga ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa mga lalaking maangas na walang idudulot na good influence sa buhay nila.

Hindi ko hahayaang mapapunta si Darlene sa mga ganung klaseng lalake.

Gaya ni Zamora ...

From Now OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon