Chapter 13 | Darlene

9 0 0
                                    

Nababahala na ko

si kuya kasi lagi na lang siyang ginagabi eh

Parang hindi na office work yung ginagawa nya kasi imposible namang sya lang ang gumagawa nun lahat

Bakit ba ko nagiisip ng ganito?

CEO si kuya kaya natural busy sya pero parang nagaalinlangan ako ..

natatakot akong mangielam sa trabaho niya pero di naman masamang magtanong diba?

Inantay ko si kuya kahit antok na antok na ko mga 12:15 na siya dumating ngayon.. grabe

"Kuya"

Halatang nagulat si kuya nang makita ako

"D-dara bakit gising ka pa?"

Utal na sabi nito

"Inintay kita kasi may itatanong ako sayo"

"How important is that question?"

"Kuya magsabi ka sakin ng totoo ah..

*Sigh*

bakit ba lagi kang late umuwi..?talaga bang sa office mo inuubos ang oras mo? Ikaw na nagsabi sakin dati na bawal magsinungaling para hindi nagaalala"

"Darlene alam mo naman diba i'm a busy man. Wala na kong ibang inaatupag kundi ang trabaho ko you know how much i love my job"

"Eh ako kuya, mahal mo pa ba ko? Parang nasasapawan na kasi ako ng trabahong yan eh"

Sabay walk out ako..

Narinig ko naman si kuya na tinatawag ako at hinahabol pero nakarating agad ako sa kwarto ko at nagmukmok.

Nakakalimutan na ba ako ni kuya? Bakit parang mas importante sa kanya yung trabahong yun? Nakalimutan na ba nya yung promise nya kay mama?

Ang unfair naman ni kuya. Sinusunod ko naman siya atsaka mabuting kapatid ako sa kanya pero bakit ganun parang nagkukulang na siya sakin. Wala na nga kaming time para magkwentuhan about sa buhay ko...sa buhay namin.

Nawawala na yung kuyang kilala ko :(

-----

"Babe.. bakit ang lungkot mo?"

"Don't babe me ha. Di pa kita sinasagot baka gusto mong di na kita sagutin jan" pabirong sagot ko kay Robbie

"Sorry naman babe ayy Darlene pala. Eh bakit ba kasi ang lungkot mo tsaka ang taray pa?"

"Wala to. Atsaka kung meron man sakin na lang to"

"Okay. Pero kung kailangan mo ng kausap nandito ako. Nandito kami ni Gail para icomfort ka"

"Robbie ang drama mo no? Nasan na nga pala si Gail?"

"Andun kasama yung boyfriend niya"

Napatakip bigla si Robbie ng bibig niya at halatang nagulat

"Ano? Ulitin mo nga yang sinabi mo? Anong alam mo na hindi ko alam?"

"Ahhh ehhh Darlene kasi.."

"Robbie sumagot ka ng ayos!"

"Oo na ayaw ipaalam ni Gail sayo kasi daw baka magalit ka"

"Eh sino ba yang lalakeng yan?"

"Francis daw pangalan, senior student"

"Ughh. Tara samahan mo ko kay Gail"

"Teka Dara pano naman ako? Eh di patay ako dun?"

"Akong bahala sayo" ;) sabay hablot sa kamay ni Robbie at tinakbo namin ang corridor hanggang covered court at dun nga namin nakita ang lovebirds ..

"HOY ABIGAIL"

"Ay kabayo!

Darlene???!!!" O.O

"Excuse me lang ah pero peram muna sa kaibigan ko mawalang galang na .. halika nga dito magusap tayo"

"Dara pano mo ko nahanap..?"

Sabay nguso kay Robbie

"Ahh ehh Gail pinilit nya ko eh atsaka nadulas na eh he-he-he"

"Ano ba naman Gail diba may usapan tayo na wala munang magjojowa hangga't di pa tayo graduate"

"HA? eh di ibig sabihin matagal pa kong magiintay" sabay singit ni Robbie

"Pwede ba girl's talk to kaya chupi muna"

"As i was saying, bakit mo sinagot yan?"

---- to be continued

From Now OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon