Introduction/Prologue ♥

6.9K 90 12
                                    

Title: Marrying The Campus Heartthrob

Genre(s): Romance, School-Life, Comedy, Drama

Languages/Type: Tagalog-English-Korean Fictional Story

~ ~ ~

Paano pag isang araw magigising ka na lang na fiance mo na ang crush ng BAYAN? Ay scratch that. Paano pag isang araw magigising ka na lang na fiance mo na ang crush ng BAYAN?Maniniwala ka ba? O pag-pipilitan mong panaginip lang lahat ng nangyari? Lalong-lalo na at crush na crush mo siya at siya? Walang paki-alam sayo baka hindi nga niya alam na nag-eexist ka sa mundong ito eh. 

I N T R O D U C T I O N :

Ako si Alyanna Sophia Won Martin, isang maarteng babae. As in MAARTE. And yes! I admit, kaya kung hindi niyo ma-take ang mga maarteng tao wag niyo nang basahin to. Deh joke, bumalik ka dito! HOY! Okay good bumalik ka, anyways may tanong ako.

Kilala niyo ba si... Lance Xander Yeon Kim? Syempre, sino bang hindi makakakilala doon sa bratt na lalaking yon? Sa baliw, ulol, tanga, bobo, pangit, casanova na lalaki na yun?

Kung hindi niyo siya kilala ang masasabi ko lang, hindi kayo updated. Bakit naman hindi niyo kilala ang ULTIMATE CRUSH ko? Sandali, mali yun ah? Erase... Erase... Erase... Bakit naman hindi niyo kilala ang ultimate crush ng campus? Sandali, mali ulit yun. Erase... Erase... Erase... Okay last na to at sigurado na ako. *inhale* Ay, wag kalimutan mag-exhale! *exhale*

BAKIT NAMAN HINDI NIYO KILALA ANG ULTIMATE CRUSH NG BAYAN?

Oh ayan, tama na yan. Italic, bold, at CAPITAL na yan. Simula nang makita ko siya I admit, na-love at first sight ako. 

Ang corny diba? Tapos marami pang mag-sasabing hindi totoo ang mga love at first sight. Sasabihin nila kung crush at first sight okay pa, pero love at first sight? Impossible. 

Diba nothing is impossible? Just believe. Ano to? Disney? Anyways, balik tayo saakin at sakanya, yiee~ Kilig MUCH. ♥ <3

Maraming nagsasabi na TANGA, CHILDISH, BALIW daw ako. Masyado daw akong TANGA kasi CLUMSY daw ako, bakit maiiwasan bang hindi makahulog ng fish bowl? Ng vase? Ng cellphone sa tubig? O mahulog sa bangin? Hindi naman diba?. Masyado daw akong MASAYAHIN, (-_-++) Yung totoo? Anong mali sa pagiging masayahin? Alangan na umiyak ako sa harap nila palagi. Tapos BALIW daw kasi nga, yung mga jokes ko daw hindi nakakatawa pero tawa daw ako ng tawa.

Tapos masyado daw akong dreamer. Kasi yung pangarap ko daw masyadong mataas, kung anong pangarap yun? Ito sasabihin ko sainyo:

First. Mapansin ng Campus Heartthrob
Second. Maging friend ng Campus Heartthrob
Third. Maging bestfriend ng Campus Heartthrob
Fourth. Maging crush ng Campus Heartthrob
Fifth. Maging girlfriend ng Campus Heartthrob
Sixth. Mag-propose saakin ang Campus Heartthrob
Seventh. Ikakasal kami ng Campus Heartthrob
Eighth. Magtagal kami ng Campus Heartthrob for 15 years.
Ninth. Mamatay kami ng sabay ng Campus Heartthrob

At last, Magkatabi kami ng Campus Heartthrob pag namatay.

At marami pang iba, yan lang muna ang nabanggit ko at baka abutin tayo ng bukas para matapos ako sa mga pangarap ko tungkol sa Campus Heartthrob.

Acutally, never akong naniwala sa TRUE LOVE. Nakakatawa no? Pero nung nakilala ko si Mr. Hot, and Mr. Cold. Ang gulo ba? 

Hot - Gwapo, Astig etc.
Cold - Snob, etc.

Ayan gets niyo na? Ang laki ng epekto niya saakin noh? Ganyan talaga pag-nagmahal ka ng totoo, yung kasing lalim ng pinaka-malalim na dagat sa buong mundo, kasing taas ng langit, kasing laki ng buong universe, mas matagal pa sa forever, beyond infinity, yung kahit na may iba siyang mahal siya pa rin yung mahal ko. Sadista lang eh? LOL.

I'm Alyanna Sophia Won Martin and this is my--- our tragic, roller coaster ride, romantic, comedy, love story ♥

~ ~ ~

Wattpad
© 2013 JustAddGlitters
Created: November 17, 2013

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon