Minsan napipilitan tayong gumawa ng mga bagay-bagay para sa mga mahal natin sa buhay...
Katulad ko.
I am Maraiah Quinto. Twenty five years old at nagtratrabaho bilang baguhang nurse sa Polaris Hospital.
Matalino ako kaya nga nakapasok ako kaagad sa hospital na yun. Rank 4 din ako sa board exam ng mga nurses kaya maraming nag-aalok sakin ng trabaho.
My life was very peaceful. Being with my father, treating some patients, and living happily.
Kontento nako kahit na mahirap ang buhay ko atleast nandyan si Tatay sa tabi ko.
Dahil ang alam ko lang....
Basta nandyan si Tatay sa tabi ko, wala nakong kinakailangan pa.
Syempre, ano pa ba ang hihilingin ko kay Lord eh nasa kay Tatay na ang mga ideal attitudes ng isang ama eh. Haha.
Napakamasipag niyan. Halos lahat ng mga trabaho eh pinapasukan ni Tatay para lang maikayod niya ako. Haha.
Ako lang kasi ang nag-iisang anak ni Tatay. Si Nanay? Ha? Ewan. Sabi ni Tatay, patay na daw siya. Ni hindi ko nga siya kilala eh.
Malungkot pero kailangang tanggapin. Kasi, sabi ni Tatay, hindi kami mag-iiwanan.
Hayy.... mahal na mahal ko talaga ang tatay ko.
Hanggang sa....
May isang pangyayaring magpapabago sa takbo ng buhay ko.
Si Tatay kasi, pinagbintangang nagnakaw ng alahas sa isang bahay na pinapasukan niya.
Hayun at nakulong.
Naniniwala ako na hindi yun magagawa ni Tatay kasi mas alam ko kung ano ang kalooban ni Tatay kesa sa ibang tao dahil anak niya ako. Inosente siya.
Pero sa batas, mas lamang ang mga mayayaman.
At dahil nga mahirap kami, wala kaming pambayad na pyansa para sa kanya.
At isa pa, baguhan pa ako sa trabaho ko kaya di ko makakayang bayaran ang pyansa niya.
830,000 pesos? San kaya ako kukuha niyan?!
Hayan at naikwento ko na talaga ang talambuhay ko dito.
Pero hindi ito ang sadya ng kwento ko.
Nagsimula ang kwento ko nang may isang businessman ang nag-alok sakin ng isang proposal.
Malaki ang bayad. At ang sweldo ko ay kayang palayain si Tatay sa bakal ng selda na yun.
Ang gagawin ko lang naman ay.....
Ang maging private nurse ng anak niya...
Anak niyang lalake na cancer-patient.
" Makakaya ko yun kasi madali lang yun eh. "
Yan ang inakala ko nung una.
Pero nagkakamali pala ako.
Makakaya ko ba talagang bantayan ang isang lalake na cancer-patient...?
Kung daig niya pa ang isang ogre at si Avah Chen sa pagiging suplado?!
A/N
Wat'cha think guys, okay ba ang synopsis ng story? I want ten reads for this puhleasee..
- Shyne_Saran
BINABASA MO ANG
A Perfect Proposal (ON-HOLD)
Teen FictionIt's because of this Perfect Proposal where I met this man who's really annoying, irritating, who's a bipolar, who's always PMS-ing (dinaig pa ako). And lastly... he's the only man who's destined to be with me. - Maraiah Quinto