A Perfect Proposal
Chapter 8
Aiah's PoV
At sa wakas, okay na rin ako. Tinakasan na kasi ako ng Virus sa katawan ko.
At ngayon, WE'RE BACK TO SQUARE ONE!
Ngayon, hinihila ko yung kamay niya para tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa couch habang naglalaro ng litseng Xbox na yan, ngayon na kasi uuwi si Mr. Karey, yung Daddy niya.
" DREI!?!?!?? "
" WHAT!?!? " sigaw niya sakin.
" PWEDE BANG ITIGIL MO MUNA YANG PAGLALARO MO NG XBOX!?!! KAILANGAN MO NANG UMINOM NG GAMOT!! " sigaw ko sa kanya.
Pero tiningnan niya lang ako ng masama, pagkatapos nun, nagpatuloy na siya sa paglalaro.
Bwisit tong tao na to ah.
Ansarap niyang sakalin eh.
" BALIWWW-"
" Okay. I will take my medicines. " sabi niya na ikinatigil ko.
" Ha? Talaga? " tanong ko habang kumikinang yung mga mata ko.
Nag smirk siya sakin.
" Sa isang kondisyon. Maglalaro muna tayo ng Pak Ganern. " sabi niya kaya napataas ang dalawa kong kilay.
" Ha?!!?? Niloloko mo ba'ko?!? Para lang yun sa mga bataaaaaaaaa! " sagot ko sa kanya. " Iinom ka ba o iinom ka!?!?? " galit na bwelta ko.
" Pwede rin yun sa Adults no. Pero di mo lang alam. Simple lang naman yung gagawin natin. " sabi niya tsaka tumayo at lumapit sakin.
Yun ba ang sagot niya sa tanong ko?!
Di ko akalain na ang lalakeng to ay yung lalakeng naging dahilan kung bakit ako naging nurse ngayon....
Oo, sa tingin ko, siya yung lalakeng nakilala ko 15 years ago.
Kasi yung kinuwento niya sakin napaka similar din sa memory ko nung bata pa ako.
Magulong magulo ang isip ko ngayon.
Kasi nga, base sa natatandaan ko, may batang lalake ang nagbakasyon sa bayan namin dun sa Bohol. Tapos napakayabang niya. English kasi siya ng english eh!
So ang ginawa ko ay binato ko siya ng bato. Ayun at dumugo yung noo niya.
Simula nun, nanumpa ako sa sarili ko na paglaki ko, magiging nurse ako para ako yung gagamot sa mga sugat niya pag nagkita na kami ulit.
Ambabaw ko no? Bata pa kasi ako nun eh...
Aaminin ko na naging crush ko yung batang yun. Kasi, nagsikap talaga ako sa pag-aaral dahil sa kanya.
At nung nalaman ko kahapon na may posibilidad na pwedeng si Drei yung batang lalake na yun,....
NA DISAPPOINT AKO NG SOBRAHHH!!! BWISIT!
Tapos sinabi niya pa na magpapakasal kami?! No way!?!! Hindi ako magpapakasal sa isang may sayad katulad niya!! Walang hiya siya!?!!? Mukha siyang kabayo!!!!
Okay. Kalma lang Aiah.
Pero hindi naman talaga ako sigurado na siya nga yung lalakeng yun. Syempre, di ko rin naitanong sa lalakeng yun kung sino siya.
BINABASA MO ANG
A Perfect Proposal (ON-HOLD)
Teen FictionIt's because of this Perfect Proposal where I met this man who's really annoying, irritating, who's a bipolar, who's always PMS-ing (dinaig pa ako). And lastly... he's the only man who's destined to be with me. - Maraiah Quinto