CHAPTER 10

3 1 0
                                    

A Perfect Proposal



Chapter 10



Aiah's PoV

Nandito na'ko sa bahay nina Mr. Karey. Kaninang 1 p.m pa'ko nandito. Early bird eh.

At ngayon, 4:38 p.m. na at hindi pa ako tapos mag-ayos. Minamake-upan pa kasi ako ng babae. Ano bang tawag dun? Dah! Basta yun na yun.

At kahit na masasabi nating matagal na akong nandito, di ko parin nakikita ang alien na yun.

Di bumababa eh.

Siguro naglalaro pa yun ng Xbox dun sa kwarto niya kasama si HONEY. Tsss... nakakainis.

Habang nakatingin ako sa salamin, napaisip ako bigla.

Sasabihin ko ba talaga sa kanya na gusto ko siya?

Pano...

Pano kung ayaw niya sakin??

Anong gagawin ko??

---

Nagsimula na yung program kanina.

Si Mr. Karey, hayun at lantak ng lantak ng salita sa harapan pero di na ko nakinig. Bahala siya sa buhay niya. Haha.

Malayo din naman ako sa stage kaya di nahahalata na di ako nakikinig at nakaupo. Di kasi ako makakita ng available seat eh kaya nakatayo ako ngayon.

At kanina pa ako naiirita dahil sa suot kong gown.

Nakakainis. Palagi kasing sumasadsad sa sahig.

" Aiah! Dito ka sa table namin! " nakita ko si Feona.

Kasama niya si JP sa iisang table dun sa pinaka likuran. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na'kong maglakad papunta sa kanilang dalawa.

Habang abala ako sa kakabuhat ng gown ko, bigla akong napalingon nang marinig ko si Honey.. " Andrei, dito ka na. "

0_0

T_T

Nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap.

Yung taong kanina ko pa hinihintay.

Ang gwapo gwapo niya ngayon.

Naiiyak tuloy ako. Chos.

Bigla akong kinabahan nang tumingin siya sa direksyon ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta sa table nina JP at Feona.

Hanggang sa nakarating na nga ako sa table nina Fe.

Tumatawa sila pagdating ko dun at alam ko na dahil yun sa kaweirdohan ko.

" Aiah, okay ka lang? " tanong ni JP sakin.

" Haha.. okay lang ako. " tipid na sagot ko sa kanya.

" Okay ka lang ba talaga Aiah? Baka masama na naman ang pakiramdam mo. " dagdag pa ni Feona.

Umiling ako.

" Okay lang ako Fe. Nagdadrugs kasi 'ko eh kaya ako nagkakaganito. Hahaha. " sabi ko sa kanila sabay peace sign.

Tumawa silang dalawa.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko para makita si Drei.

Pagtingin ko, nandun sila sa kabilang table. Silang dalawa lang ni Honey ang nakaupo dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Perfect Proposal (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon