1

3 0 0
                                    


"Good Morning!" masayang bati ni Joey sa pamilya. Malapit na ang pagtatapos ni Joey. Sa darating na Marso ay magtatapos na Magna Cum Laude sa kursong HRM na may specialization sa Culinary Arts. "Hyper ka na naman Ate. Ano na naman ang nilaklak mo kagabi?" turan ng kanyang kapatid na si Jack.

Kinurot ni Joey ang tagiliran ni Jack. "Aray naman ate!" angil ni Jack. "Hay, itigil niyo na yang harutan niyo. Maaga ka ata ngayon Joey?" si Nana Bechay. "Eh, pinapapasok po ako nang maaga sa café eh. Naka-leave po iyong isang barista kaya mas maaga po akong pinagrereport." sagot naman ni Joey habang naglalagay ng palaman sa pandesal. "Ah ganoon ba. Ang tatay niyo ay maagang umalis para makapamili para sa ihawan. Jack, bilisan mo na diyang kumain para pagkakain mo ay makaligo ka na at makasabay ka na sa Ate mo sa pag-alis." si Nana Bechay. "Nana, naman papasabay ninyo na naman po sa akin si Jack? Eh, kaya lang gustong sumbay niyan kasi nakakalibre na siya ng pamasahe sa akin. Ang daya ah. Papayag lang akong sabay kami kung KKB." sagot ni Joey. Tumayo si Jack at sinabi "Ang kuripot mo talaga Ate, sais pesos lang ipagdadamot mo pa?" "Iyon na nga sais pesos na nga lang pamasahe mo hindi mo pa magawang bayaran. Iaasa mo pa sa akin. Eh binibigyan ka rin kaya ni tatay ng perang baon. Tsaka diba puwede namang lakarin ang school mo mula rito sa atin. Maglakad ka na lang kaya para mabawas-bawasan iyang timbang mo." turan ni Joey. Napanguso na lang si Jack sa sinabi ng kapatid at dali-dali ng naligo. Si Joey naman ay agad ng nagpaalam para siya ay makapasok na sa isang café.

Nagpapart-time barista si Joey sa Obsession's Café. Simula ng siya ay mag-18 ay naghanap na ng magpapart-timan si Joey. Labag man sa kalooban ng ama at ng kanyang lola ay pursigidong tumulong ni Joey sa kanyang ama kaya napapayag niya itong makapagtrabaho siya sa Café tutal ito naman ay may kaugnayan sa kanyang kurso.

Kumikita siya ng anim na libo sa isang buwan. Ito ay pinangdadagdag niya sa kanyang pambayad sa kolehiyo. Hindi rin naman malaki ang kanilang binabayaran dahil isa siyang full scholar. Lumalaki lang ang bayarin dahil sa mga gamit na kailangan para sa kanilang pagluluto. Minsan dinadagdag din nila ito sa tuition ng nakababatang kapatid. Pinilit kasi nilang ipasok si Jack sa isang pribadong paaralan at katulad ng kapatid scholar din ito pero medyo malaki pa rin ang bayarin. Halos magtatatlong taon na rin siyang nagtatrabaho sa Café at dahil na rin sa tulong nito ay nakapagpundar na siya ng laptop na kanilang ginagamit magkapatid. Hindi naman madamot si Joey, kapag kinailangan ng kapatid niya ang laptop ay pinahihiram naman niya ito.

"Good Morning!" masiglang bati ni Joey sa mga katrabaho. "Aga natin ah! Maghanda na tayo para makapagbukas na." sabi ni Louie na isang senior barista. "Naman, ako pa. Di ko palalagpasin ang dagdag na oras na makapagduty. Alam mo naman ang pangangailangan ko, diba?" sagot ni Joey habang nag-aayos ng uniporme. Ilang minuto pa ay nagbukas na sila. Inaayos na ni Joey ang name plate niya at pumuwesto na sa may cashier. Maayos naman ang naging duty. Pero bago matapos ang duty niya ay hindi inaasahang nasagi ni Joey ang kapwa baristang may bitbit ng kape. Nalaglag ang kape sa mesa ng isang customer na may laptop. "Oh my! I'm so sorry. Hindi ko po sinasadya." agad na sabi ni Joey sa kapwa barista at sa customer. "Shit! My final paper! Look what you've done!" sigaw ng lalaking customer. "Pasensya na po talaga, Sir. Hindi ko po sinasadyang masagi ang kapwa ko barista. Ano po bang puwedeng kong magawa para po matulungan kayo?" mahinahong sagot ni Joey. Kapag siya naman ang nagkakamali hindi naman nakakalimutan ni Joey na humingi ng pasensya. "Look, final paper iyon. I had sleepless nights just to finish it. Tapos mababasa lang ng kape ang laptop ko dahil sa kapalpakan mo?! Bakit ka ba naging barista eh napakaclumsy mo? Are you new here? Where is Brad, the owner?" sabi ng lalaki. Nagpanting na tainga ni Joey at lumaki ang mga mata nito. Pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. "Sir, I already apologize. I ask what I can do to help you. Do I need to pay for the damages and repair of your laptop? Maybe I can help you with your paper." magalang na sabi ni Joey habang pilit na ngumingiti. "Ano bang nalalaman mo eh isa ka lang barista?" sagot ng lalaki habang dinuroduro si Joey sa balikat niya. Sasagot na sana si Joey pero sakto naman ang dating ng may-ari ng Café na si Brad Samonte na pinsan ng lalaki. "Oh Drew! What's going on here?" tanong ni Brad sabay akbay sa pinsan. "Itong barista mo hindi naman ata marunong. Look, tol nabasa laptop ko. Nakasave diyan ang final paper ko na ipapasa na bukas." reklamo ni Drew. "Ah okay. Akala ko kusng ano na. Hindi mo kailangan sigawan si Joey. Humingi naman siguro ng sorry si Joey. Tsaka dude, matalino yan. Part time lang siya dito at mag magna cum laude yan wag mong maliitin." sabi ni Brad. Napailing na lang si Drew. "Ethan, pakilinis na ang kalat. Halika doon tayo sa opisina ko. Sumunod ka rin Joey." sabi ni Brad.

Bumuntong hininga si Joey at tinulungang magligpit si Ethan. Ang totoo niyan ay matagal ng may crush si Joey kay Brad. Para kay Joey, isang ideal man si Brad, sa edad nitong bente tres ay nakapagtayo na ito ng sariling café, ang Obsession's Café. Iniidolo niya ang kanyang boss kaya naman naiinis siya ngayon at nalagay na siya sa alanganin. Kumatok si Joey sa opisina ni Brad at pumasok. DIto niya naabutan na sinusubukan i-retrieve ni Brad ang files kasi maayos naman nilang nabuksan ang laptop. "Sir Brad?" sabi ni Joey. "Oh good you're here. Maybe you can help us retrieve the last saved version of the file he's been working on." si Brad. "Okay po." sagot ni Joey. Umupo siya sa harap ni Brad at ibinigay sa kanya ang laptop. Sinubok lahat ni Joey ang lahat ng nalalaman niyang paraan para masubukan i-retrieve ang file na ginagawa ni Drew. "Ah Sir Brad, mukhang hindi po na-auto save. Hanggang page 15 lang po talaga ang na-save." turan ni Joey. "Ano?! Anong gagawin ko niyan? Nawawala iyong five pages? This due tomorrow." reklamo ni Drew. "Sir, baka na-save niyo iyong mga resources niyo para madali ng magawa iyong paper. Puwede ko na po kayong matulungan kung mayroong resources na magagamit." si Joey. "So, you think you can do this? Sige do it. Paano ba 'yan Tol. Puwede bang hindi muna siya sa mag-duty para matulungan niya ako." sabi naman ni Drew. "O sige, Kaso hanggang alas dose lang siya kasi may klase pa yan." sabi ni Brad sabay labas na ng opisina. Naiwan sina Joey at Drew. "Tungkol saan po ba ang part na nawala sa final paper niyo po?" tanong ni Joey. "Genetics. Kaya mo?" si Drew. "Oo, sisiw lang iyan sa akin. Henya ito, Sir." sabi ni Joey sabay turo sa ulo niya. Thirty minutes na lang at mag-oout na si Joey. Sa loob ng tatlumpung minuto hindi na inaasahan pa ni Drew na matatapos ni Joey ang paper. Para kay Drew mayabang at wala naman talagang maibabatbat si Joey. Pero laking gulat niya ng biglang sinabi ni Joey, "Done!" Tinignan agad ni Drew ang ginawang paper ni Joey. At ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na mahusay ang pagkakagawa ni Joey. "Ayan po Sir, with additional pages pa po yan at sinite ko na ung resources using APA format. Baka may kulang pa." pagmamalaking sabi ni Joey. "Okay. It is good you made it on time. You may leave now and call Brad." sagot ni Drew na hindi man lang tinitignan si Joey. Sa isip ni Joey, siya ay nagtataka kung magpinsan nga talaga ang kanyang boss at ang taong kaharap niya. Malayong-malayo kasi ang ugali ng dalawa. "Ang kapal. Di man lang mag-thank you." wala sa sariling bulong ni Joey. Napaangat ng tingin si Drew at sinabing, "May sinasabi ka?" Umiling na lang si Joey at nagbigay ng isang pilit na ngiti.

Papasok na si Joey sa kanyang klase. Nagmamadali na siya dahil medyo na atras pa ang alis niya sa Café. Sa kanyang pagmamadali may nakabanggaan siyang lalaki at sa hindi pa inaasahang pagkakaton si Drew ang nakabangga niya. "Ikaw na naman?!" sabay nilang sabi. Umiling na lang si Joey sa nakitang reaksyon sa mukha ni Drew dahil halatang halata rito ang hindi nito pagkagusto sa dalaga.

"Di ka ba tatabi?" si Drew.

"Bakit ako ang kailangang tumabi? Di ba you have to keep right? Why don't you do it? Ang lapad lapad ng sidewalk nakikisiksik ka." si Joey.

"But I'm in a hurry so better step out of my way."

"Then if you are in a hurry, why don't you step out of THE way. Besides you don't own the way."

Napipikon na si Drew sa inaasal ni Joey. Kaya naman siya na ang nagbigay daan. "Thanks." sabay ngiti si Joey.

Nagdaan ang mga araw at hindi na muling nag-krus ang daan nina Joey at Drew. Para kay Joey, ito ay isang napakagandang pangyayari sapagkat ayaw na ayaw niya sa pag-uugali ng binata. Para kay Drew, mabuting di sila nagpapang-abot sa Café dahil ayaw na ayaw niyang nakikita si Joey dahil sa pagiging smarty pants nito at pagiging all-knowing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuwento ng Hindi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon