"Sam. Anong masasabi mo sa kanya? Gwapo ba?" Tanong ni myka sakin. Nandito kami ngayon sa garden sa may bleachers dito kami madalas tumatambay. Pinag uusapan nila ang textmate na naman ni myka. Oo chixgirl yan si myka. Basta gwapo ka papatulan ka.
"Okay lang" sabi ko sa kanya ng pinakita niya sakin ang picture ng lalaki niya.
"Haay nako myka. Sino na naman ba yan? Wala na ba kayo ni joshia?" Tanong ni freya sa kanya.
"Change topic please" sabi lang ni myka.
Hmmmm!! I smell something. Sa pag kakaalam ko kasi si joshia ang pinakamatagal niyang boyfriend. At alam kung may feelings siya dito. Break na naman kaya sila?
"Break na ba kayo myka?" Diretso kung tanong sa kanya.
Bigla naman siyang napatigil sa tanong ko.
At nagulat kami sa sunod niyang ginawa. Sinubsob niya ang mukha niya sa kamay niya. At umiyak.
"Hey!! Myka okay ka lang?" Tanong ni freya sa kanya.
"Nag break na kami ni joshia. Kahapon lang. Nakita ko siya na may kahalikan na babae kahapon. Huhuhuhu" at muli siyang umiyak.
May kahalikan. Sabagay kahit ako makakita ng may kahalikan ang bf ko malamang hihiwalayan ko talaga. At hindi ko alam kung bakit bigla kung naisip si steven at naalala yung nakita ko nun sa likod ng building. Tsk! Eh ano naman ngayon kung makita ko yun. Hindi naman ako affected. Tsk!
"Ganun? Pero hindi naman yata chicboy yun si joshia" sabi naman ni freya.
"Ewan ko ba. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako sa kanya. Basta break na kami." Myka said.
Ganyan ba talaga ang mag syota. Nagiging bitter pag naghiwalay na. Hayyss!!!"Guys! Pwede ba tayo gumala bukas?" Tanong ni myka samin.
"Saan naman tayo pupunta bukas myka?" Ask freya.
"Gusto ko mag swimming. Para kahit sandli makalimutan ko man lang siya." Sabi ni myka.
Swimming??? Hmm!! Saan naman kaya?
"San naman tayo mag swimming?" I ask.
"Sa alps. Maganda daw kasi dun at malapit lang naman yun. Sige na guys please." Myka said.
Makakatanggi pa ba kami.at dahl sabado naman bukas pumayag na rin kami.
"Kompleto na ba ang dadalhin mo anak?" Tanong ni mommy ng palabas na ako sa kwarto. Nagsuot lng ako ng short at sando na kulay black. Pinaluuban naman ng bikini top.
"Yes my. Alis na po ako my." Sabi ko ng makalabas na ako. At sumakay na sa pick up nila myka.
"Ang bagal mo talagang magbihis sam. Hindi ka parin nagbago" bungad sakin ni freya.
"Eh kasi naghahanap ako ng bikini top lang ayoko kasi mag suot ng two piece dun nuh" sabi ko naman.
"What???? Haller!! Maliligo kaya tau. Kaya kailangan mag two piece ka." Sabi naman ni myka na lumalaki pa ang mata.
"Hindi rin naman yun beach no. Spring lang yun myka" pagdadahilan ko naman. Hindi lang talaga ako komportable pag naka two piece ako.
"Kahit na sam. Mas mabuti parin yung two piece lang." Sabi ni freya. Hindi ko nalang sila pinansin. Basta hindi talaga ako mag totwopiece. Nakakahiya marami pa naman tao ngayon kasi sabado. Marami talang maliligo sa alps.
Pagkarating namin ay bumungad agad samin ang napakalaking spring na kulay green at blue. Napakaganda talaga dito . napakalamig pa ng ihip ng hangin dahil sa malalaking puno. Agad kaming dumiretso sa cottage na pina reserve ni myka. At dun nilapag ang mga pagkain namin.
"Tara guys. Swimming na tayo. Ang sarap ng maligo" sabi ni myka.
"Mauna nalang kayo. Walang magbabantay dito" i said. Hindi pa rin naman ako atat na maligo.
"Are you sure sam? Pwede mo nman ng iwan yan dyan" freya said.
"No. Im okay here. Mamaya nalang ako. Mag pipicture muna ako dito" i said.
"Okay"
At tuluyan na nga silang lumusong. Inayos ko naman ang mga dala namin at inayos ang bbq grill sa labas nakatalikod ako sa daan ng umatras ako ay hindi ko namalayan na may tao pala sa likod kaya nabunggo ko siya.
"Ouch!! What the hell!"
Agad akong napalingon sa babae na natumba sa likod.
"Nakoh. Sorry hindi ko sinasadya" sabi ko at aalalayan sna siyang tumayo ng hindi niya tinanggap ang kamay ko at may isang kamay naman ang umalalay sa babae. Napalingon ako sa may ari ng kamay na yun. At nakita ko si steven kasama ang tropa niya.
"Thanks babe. Ang sakit ng pwet ko" reklamo nung babae.
Babe! So ito ang gf niya ngayon at kasama niya pa dito. Tsk!
"Hoy ikaw! Wag ka kasing tatanga tanga!" Sabi ng babae sakin.
"Sorry talaga hnd ko sinasadya" sabi ko ulit sa babae.
"Tama na monique. Hindi niya yun sinadya" sabi naman ni steven.
Isa ka pa! Ano namang ginagawa nyo dito! Kainis!
"Pasalamat ka talaga!! Lets go babe! " sabi ng babae at agad hinila si steven at dumiretso sa kabilang cottage.
Sinundan ko naman sila ng tinggin at nagulat ako dahil nakatingin din si steven sakin. Yung tingin na parang nag aalala.
Ewwwww!! Hindi bagay sa kanya. Ang lagkit makatingin boy. Tss!!
At pumasok nlang ulit ako sa loob
![](https://img.wattpad.com/cover/82247619-288-k757727.jpg)