Hi.
Naalala mo pa ba tong araw na toh?
Exactly a year ago.
Was the most treasured moment i had with you. Sana accurate ang memory ko.
Umaga ng araw na yun. Biyernes.
Sumakay tayo ng LRT 1. Didiretso dapat tayo ng MOA kasi yun naman talaga ang original plan.
5th monthsary naten.
Pero bigla mong naisipan na pumunta munang Intramuros. Kaya unexpectedly yung pang'EDSA na ticket naten naging pang Central Station.
Bumaba tayo. Pumunta tayong Intra. Naglakad lakad. Hanggang sa pinuntahan naten yung favorite place naten dun.
Sa place na yun sobrang tahimik. Sobrang memorable dun kasi sinayaw mo ko sa ilalim ng puno.
Nagkwentuhan tayo na para bang atin lang ang oras. Tayo lang sa mundo. Yung tipong ganun.
Nakita nateng mukhang uulan. So, ayun umalis na tayo at naisipang kumain sa Mcdo.
Andami nateng kinain nun. May shake shake fries pa nga eh.
Di naten yun naubos. Kaya binigay mo sa mga bata sa labas ng fast food.
Ang sweet mo. Sobrang amazed ako sa personality mo nun.
Kahit umuulan nun. Tuloy pa rin tayo. Kahit wala tayong payong.
You made sure na hinding hindi ako mababasa ng ulan kaya nakatalukbong saken ang jacket mo.
Inuna mo ko kesa sa sarili mo.
Sumakay tayo ng FX papuntang Pasay. Yung nasakyan naten di pala pupuntang MOA. Kaya ang lagay nilakad naten papuntang MOA.
Hahaha. Ang lakas ng hangin nun. Baha na nga sa kalsada eh. Wala ding jeep na nadaan.
Kaya sinabi ko sayo na lakarin na lang naten.
Magkahawak mga kamay naten. Tumatawa habang ang malakas na hangin ay dumadantay sa mga mukha naten.
Hindi tayo nagpapigil sa ulan.
Ang saya saya naten. Tumitibay tayo.
Balak nateng sumakay ng ferris wheel nun. Pero pagdating naten dun, di pa bukas. Medyo delikado din kasi umuulan at mukhang magbabagyo.
Kaya pumasok tayong Starbucks. Nagorder ka ng kape at saken ata ay caramel frappe. Pati cake nagorder tayo.
Nakakatawa nga eh kasi ang nilagay mong pangalan ay "Bradley" sabi ko bakit yun ang pangalan sabi mo gusto mo yung pangalan na yun.
Ang cute mo talaga.
Bigla namang lumakas ang ulan, kasabay ng malakas na paghampas ng hangin.
Nasa seaside tayo. Nakikita naten sa labas ang medyo mataas na alon ng Manila Bay.
Pero di pa rin tayo nagpapigil.
Ayaw pa rin nateng umuwi hangga't di tayo nasakay ng Ferris Wheel.
Humina ang ulan, hapon na nun. Malapit ng gumabi.
Pumasok tayo sa loob ng Mall. At dun natin naisipang manuod ng sine. Inside Out ang pinanuod naten.
Sobrang cutieee nung palabas. Iyak tawa tayo wahahaha
Pero di pa yun ang highlight ng araw na yun.
Chineck naten ang Ferris Wheel. Bukas na siya.
Di na rin umuulan. Pero gabi na.
Mahangin pa rin pero kumalma na ang mundo.
Kalmado na pati ang dagat.
Sunakay nga tayo ng Ferris Wheel.
Excited ako nun. Kaya nga nakalimutan kong Acrophobic (fear of heights) nga pala ako.
Nung paakyat na yung sinasakyan naten.
Dun ako nagsimulang kabahan.
Habang tumataas tayo, habang mukhang langgam na lang ang mga tao sa baba ay umiiyak na ko.
Hinahampas kita sabay sambit ng mga salitang "Ibaba mo na ako ayoko na. Please ayoko dito."
Tinatawanan mo lang ako. Grabe ka. Nakapikit ako nun. Nasa tuktok na.
Sabi mo, ang ganda ng view. Pano ko makikita kung nakapikit ang mga mata ko.
Hinawakan mo ang kamay ko. Nakapikit pa rin ako. Hinawakan mo ang magkabilang pisngi ko.
Ang lapit na ng mukha mo. Ramdam ko.
"Andito ako. Di kita papabayaan." Napakacomforting ng sinabi mo kaya binuksan ko mga mata ko.
Tiningnan kita. Nakangiti ka. Ngumiti din ako.
Tiningnan ko ang paligid.
Napakaganda ngang view. City lights. Sobraaaaang ganda.
Nagkatinginan tayo. Nasa tuktok na tayo nun eh.
"I LOVE YOU"
Mga salitang sinabi naten sa isa't isa.
At, hinalikan mo ko. San nga ba yun? Sa pisngi o sa lips? Di bale na, sobrang romantic nung moment na yun.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan naten.
Kitang kita ko sa mga mata mo.
Damang dama ko sa init ng mga kamay mo.
Pero, ngayon habang sinusulat ko ito iniisip ko kung naalala mo pa ba ito?
Siguro hindi na. Kasi hindi na ako ang laman ng isip mo..
Hindi na ko sumasagi sa isip mo.
Isang tao na lang ako sa nakaraan mo.
Isang tao din sa kasalukuyan mo.
Hanggang utak na lang siguro tayo.
One shot romance.
Ewan ko, naaalala mo pa ba toh?
Minsan tayong sumaya sa piling ng isa't isa.
Di ko nga alam kung bakit ganun mo na lang nakalimutan.
Ganun ganun mo na lang din itinapon.
Ang sakit kaya.
Pero, okay lang. Kasi naiintindihan kita.
Swerte na lang siguro king sumagi ako sa isipan mo.
Ang swerte mo pala kasi lagi ka paring nasa utak at puso ko.
Kahit ayaw ko na pero ang kulit mo pa din. Hayst.
Pwede bang umalis ka na sa isip ko? Para kalimutan ka na din ng puso ko.
August 21, 2016
Ngayong araw na toh.
Sisimulan ko ng hamunin ang sarili ko sa mga posibilidad na hindi ka na babalik.
Pupulutin ko na ang sarili ko sa pagkahulog ko sayo.
I will pick myself up.
Pero kasabay nun.
Ipagdadasal pa rin kita.
Hanggang dito na lang tayo.
BINABASA MO ANG
The Life That Happened
RandomWe were so good together, so happy, so contented. Then one day, life happened.