C H A P T E R 16

1.1K 54 2
                                    

Chapter 16

Nandito na ko sa school at tulala ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin na may nabangga na pala ko.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Sabi ng isang masungit na lalaki. Kaya nag-angat ako ng tingin.

"Bakit 'di ka rin kasi umiwas? Ikaw na lang sana nag adjust diba?" Mataray na sabi ko. Aba 'di ako papayag ng ganun 'no.

"Eh, bakit ka kasi naglalakad pero tulala. Okay ka lang?" Sarkastikong sabi niya.

"Pake mo? Kanya-kanyang trip yan. Inggit ka? Gaya ka." May ngising balik na sagot ko.

"Edi nagmukha akong tanga katulad mo?" Nainis naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ka magmumukhang tanga promise. Magmumukha ka lang parang naliligaw na tuta." Siya naman ang nainis dahil bakas sa mukha niya ito.

"Sinong tuta?" Inis na tanong niya.

"Ikaw, bingi ka ba? Sayang ka." Sabi ko at tinapik balikat niya bago siya nilagpasan at ang mga kasama niya.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya at ang inis na singhal niya sa mga ito.

"May araw ka rin sakin!" Sigaw niya kaya medyo nakaagaw pansin.

"Go on. Kailan ba? Paghahandaan ko." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya at narinig ko naman ang hiyawan ng mga kaibigan niya.

Sa sobrang space out ay hindi ko napansin na nalagpasan ko na pala room ko kaya napabalik ako. Pagbukas ko himala walang tumapon. Good to know. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at tumungo.

Maya-maya lang ay nag bell na at pumasok na ang prof namin. Wala sina Gail at Lian mukhang may kailangan asikasuhin. Alam niyo na sila lang naman ang successor ng pamilya nila eh.

"Okay class listen, you have a new classmates. Gentlemans, please come inside and introduce yourselves." Sabi ni Prof. Dimagiba.

Pumasok ang limang lalaki at mukhang kilala ko sila. Wengya bakit sa lahat sila pa? Nayari na talaga. Sila yung mga lalaki sa hall kanina. I'm doom!

"Hi beautiful ladies, nice to meet you. I'm Nicholas Seo at your service." Pakilala ng chinito. Well, lahat sila chinito. Brown ang buhok niyo na medyo curl. Maganda ang kilay niya, daig pa ang akin jusko. Kulay abo ang mata niya. Gwapo kaso mukhang manloloko.

"Callan Grey. Please be good to us." Ito mukhang mabait at tahimik. May pagka blonde ang buhok ng isang 'to. Chocolate ang mata niya. Gwapo rin pero parang katulad niya iyong Nicholas.

"I'm Xenon Fonacier. Hope we can be friends." Ito friendly. Jet black naman ang buhok niya at Black din ang mata niya. Medyo may pagka-isip bata siguro 'to, halata sa aura niya eh.

"Kobi Mikaelson. 17." Ito cold. Gwapo pa naman sana. Hazel nut eye, and hazel nut hair color. Ito mala serious type ang datingan at tingin ko siya ay isang man of few words.

"Callix Monterial." Ito yung lalaking nakaaway ko eh. Infairness gwapo rin pero mukhang walang gagawing maganda. Patay ako nito. 'Yong mukha niya parang 'di pwedeng pagkatiwalaaan.

"Okay you may take your sits." Sabi ng Prof at nagdiscuss na.

Shit! Good luck na lang siguro sakin. Mukhang 'di ako makakawala sa mga 'to aish! Ano ba kasi ginawa mo Abi? Sabi ko at ginulo buhok ko bago nakinig sa Prof. Mukha tuloy akong bruha. Ramdam ko na hindi na talaga magiging maganda ang buong taon ko.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now