C H A P T E R 38

848 35 0
                                    

Chapter 38

Bukas na ang christmas party namin at may isusuot na ko, bigay nila Gail at Lian. Sobrang thankful ako kasi mayroon akong kaibigan na katulad nila.

Pero kahit bukas na hindi man lang ako maka dama ng saya kahit kasama ko si Kallix. Aaminin ko nagugustuhan hindi napapamahal na ko kay Kallix. Hindi ko maiwasan dahil sa mga pinapakita niya. Mukha naman siyang sincere.

Susunduin niya raw ako rito bukas, di ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako pero ang sabi niya 'I have my ways'.

Isa pa sa hindi ko kinakasaya ay yung anak na babae nila sir at ma'am. Na pag wala ang wonderful family ay siya ang may-ari. Partly, oo isa siya sa may-ari pero hindi siya marunong makisama tulad na lang ngayon.

"Hoy, alila. Bakit ka nakatulala diyan? Mag trabaho ka na dahil hindi ka binabayaran para tumunganga." Masungit nasabi niya sakin kaya napayuko ako.

"Pasensya na po." Pag hingi ko na lang ng paumanhin para hindi na humaba. Lalagpasan ko na sana siya pero hinatak niya ang braso ko.

"Layuan mo na ang pamilya ko, nandito na ko kaya wala ka ng silbi sa kanila. Naiintindihan mo?" Sabi niya sakin, naluluha naman ako dahil bukod sa totoo ang sinabi niya masakit ang pagkakahawak niya sakin.

"Ma'am bitawan niyo po ko, masakit." Pinilit kong alisin ang kmay niya at ng matanggal ko umakto siyang natumba at naiiyak.

"Ano ang kasalanan ko sayo? I'm just trying to be friendly to you." Sabi niya at tinakip ang kamay sa mukha.

"What is happening here?" Rinig ko ang boses ni sir Aidam tinignan ko siya pero ang tingin niya ay tila hinuhusgahan ako.

"Sir, wala po kong ginagawa." Pag tanggi ko sa nakikita niya. Di niya ko sinagot at lumapit kay Aislinn.

"Are you okay? What happened?" Inalalayan niya si Aislinn na tumayo. Tumingin sakin ito at ngumisi pero nawala agad at umarte ulit.

"I just want to be friend with her tinulak niya ko." Sisi niya sakin kaya nagulat ako.

"Sir, hindi po totoo yan." Pag tatanggol ko sa sarili ko pero disappointment lang ang nakita ko sa mata niya.

"Save your explanation to yourself." Sabi ni sir Aidam at umalis na kasama si Aislinn na ngumisi lang sakin.

Naluluha naman akong nag patuloy sa ginagawa ko at naging tahimik sa buong hapon na napansin ni manang.

"Hija, ayos ka lang ba? Mukha kang matamlay." Nag-aalala niya kong tinignan at nginitian ko lang siya ng maliit.

"Ayos lang po ko, manang. Tara kain na po tayo? Sasabay po ko ulit sa inyo." Hinaplos niya ang likod ko na parang sinasabi na magiging ayos din lahat. Ngumiti siya ng malawak at sabay kaming pumunta sa mga kasamahan namin na masaya ng nagkukwentuhan.

Nakisalo kami at napuno ng tawanan dahil sa mga biro ni manong guard. Saglit ko ring nakalimutan ang problema at lungkot na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now