Ako pa rin to. Si Edelweiss. :) Okay. Inaamin ko na. Medyo masaya naman pala ang high school. Keri lang. Marami rin naman pala ditong mayayaman na magaganda. At yun. Sila na nga yung mga friends ko. Grabe. May mas mayaman pa pala sa amin sa school? Si Elliene Bass. Classmate pala siya ni Rebecca at Jeline since 1st year. Simple lang sya pero galante kaya sarap kasama nito ee. >:)
Ilang buwan na din ang nakalipas. Konti lang naman talaga ang nangyare e. Kaya skip na. Haha. ^__^V
September na. Close ko na yung mga "friends" ko. As in. Feeling ko naman mga totoong tao na to sila. Sana hindi nila ako lokohin. Sabagay, parepareho lang naman ang buhay nmin, pati na rin ang financial status namin. Si Sophia nga lang ang naiiba. Poorita talaga to. E bestfriend kasi ni Muriel e. Magkababata.
Eto na. Malapit na magsembreak. Since hindi pa naman talaga sem ang pinag-uusapan pag high school, 1 week lang kaming mawawalan ng pasok.
Bago magsembreak, Syempre super close ko na nga sila Trina, Erin, Rebecca, Jeline, Lea, Muriel, Morinaella, Sophia, Anne, Judel, Lara, Elliene, Denise, at Nica. O diba. Wag ka. Andami namin noh??
Nagmeeting kame na mag Enchanted Kingdom pag sembreak na. Para alam nyo na, bonding moments, girl's talk, at kung anu-ano pa.
"Enchanted Kindom naman tayo mga girls!" Sabi ni Trina
"Tara!!!" sabay sabay naman na sagot nila Rebecca, Lea, Erin at Lara
"Di ko pa alam kung papayagan ako e." banat naman nitong si Judel.
"Kayo. Ayos lang sa akin." sabi ko. ayos lang naman talaga e.
"Oo nga. Ako rin. Basta si pinsan ang nag-aya e. At syempre, itong si Anne ay sasama na rin e. Di ba nga, bestfriend?" comment ni Jeline. Andaming sinabi e. Hahaha
"Ha? Ah, oo. Sige." parang pilit na sabi ni Anne.
Ayon, payag naman ang lahat e. Kaso..
"Ano, ah, baka kayo nalang? Kasi alam nyo naman. Pati dagdag gastos pa yun e." nahihiyang sambit ni Sophia
"Sagot na kita. Libre na kita. Sumama ka na. Para sigurado na rin na makakasama si Muriel." alok ni Elliene sa kanya
"Oo nga naman, Sophia. Sumama ka na, please? Ipagpapaalam kita." si Muriel yan
"Ha? Ah, sige. Titignan ko. Sigurado bang libre ako? Hehe. Nakakahiya naman kasi." napaka poor talaga. paawa pa e. JOKE! mabait naman ako sa friends ko. Pati mga kaugali ko rin naman yan sila e.
"Ayun lang naman pala e. Dali na. Papilit pa e." ani Lea. Nag-smirk pa siya after.
Natahimik na lang si Sophia. Sigurado namang sasama na yun.
"Ano, kung gagabihin talaga tayo after mag-EK, ayos lang sa akin na sa'min na kayo magpalipas ng gabi. Sa Cabuyao lang yun. Malapit lang. Delikado na rin kasi pag hatinggabi. Ayos naman yun diba? Sleepover pa. :)) Party party!" excited naman na sinabi ito ni Nica.
"WOOOOOOOOOOOOOHHHHHHHH! YES!! Ang saya nito!!" sabi nilang lahat. natatawa na lang ako e.
Sana matuloy ha. Ilang linggo pa bago mangyari yan. Sana walang magback-out. Parang ang korni naman nun. Last minute na nga, nagbackoutan pa. Sus. Sana hindi. Sana matuloy. Malay natin. Dito lumambot ang puso ko. DRAMA! Sauce aba.
Ay oo nga pala. Walang boys. Kahit sabihin pa nating may nakakausap kaming boys, wala pa rin kaming friends na boys. Di kami habulin masyado e. Puro NBSB pa nga kami. Odba? Cool.
I am expecting so much from my friends. I hope they won't make me feel alone again. Love you guys, and I hope you love me too. Drama ko na talaga.
Anu pa kayang mangyayari sa akin, este sa amin, after ng mga plans namin? Stay tuned. :)))