Ako parin si Edelweiss. Pagkatapos ng first day, may naging friend nako -- si Erin.
Second day, may nadagdag pang dalawa si Jeline Dizon at Rebecca Junior (kahit ang chaka ng apelido ni Rebecca, napilitan akong i-friend sya, rich kid din kasi).
Third day hulaan mo kung ilan ang nadagdag.. logic lang. Oo, tama ka. Tatlo. Sila Lea Yao, Denise Parked at Muriel Verba (naalala ko tuloy kaklase ko nung elementary, kapangalang sya ni Muriel. Muriel Adjectiva nga lang sya. Sayang, galing pamandin non sa english).
Si Erin, nakalimutan ko apelido, mala-Minalovebug yata o sometheng.
1,2,3...6! Wala pang isang linggo, anim na "friends" ko. tae. improving!
Day 4 ng klase, akala ko madadagdagan pa sila ng apat, kaso hindi na yata. Buti nadiscover ko si Sophia Navarro! basahin mo nalang sa prologue description sa kanya. siya bago kong laruan. yung tipong madaling utuin. tuwing lunch break nga namin, nililibre ko yan e, habang nililinisan ako ng kuko sa paa. pero mabait yan. nagkataon lang na mas mayaman pa ligaw na hamsters namin sa bahay kesa sa kanya. kaya eyon. higit pa sa apat na new friends ang katumbas nya sa ligayang binibigay nya sa aking paa.
UTUT MU BLUE :P Next Chapter na! XD
