CHAPTER 1

0 0 0
                                    

KIA'S POV

"Mommy! Daddy!" dinig ko ang boses ng isang babae.

Hindi ko alam ang nangyayari. Wala akong makita bukod sa puno ng dilim. Tanging boses lang ang naririnig ko.

"Mommy! Daddy!" sigaw ulit nung babae kasabay ng iyak nya.

"Anak! An---!" sagot ng di ko malamang boses. Masyadong malabo sa pandinig.

Biglang nahinto ang lahat

~TING TING TING~ (Alarm)

*yawn*

May kung ano nanaman sa panaginip ko. Di ko naman na maalala. -_-

Time check: 5:00 am

Grabe! Halos isang linggo na akong wala akong tulog. Kabi-kabila din masyado ang trabaho haaaayst.

Pagkabangon sa higaan, tiniklop ko na din yun, mahirap na baka maalikabukan pa.

Dumeretso na ako sa CR para makapagtoothbrush bago magalmusal.

"Grabe kailan ko ba huling nakita mukha ko" bulong ko sa sarili na ngayo'y nananalamin.

Napansin ko din ang pamamayat ng mukha ko at ang paglaki ng eyebags ko.

*sigh*
Kaunting tiis pa. Makaipon-ipon lang ako ay makakaya ko ng bitiwan ang isa ko pang trabaho kada weekends.

Matapos ko sa CR ay pumunta na ako sa kusina. "ugh! Wala na halos laman ang ref ko, anu ba naman yan" sabay buntong hininga.

Kumuha na lang ako ng itlog at pipinirito at ipinalaman sa tinapay at sinimulang kumain.

Ako nga pala si Kia Samonte. 24 years old. Yun lang :)

~TOK TOK TOK~

Halos mapabalikwas ako dahil sa lakas ng katok sa pinto. Medyo bangag pa din kaya eto -_-

"Sino naman kaya mambubulabog ng ganito kaaga?" bulong ko sa sarili.

~TOK TOK TOK~

"Teka lang!!!" sigaw ko sa kumakatok habang kumakagat pa ng isa sa tinapay.

~TOK TOK~

Ang kulit naman nito. Bahagya kong binuksan yung pinto

"Ano ba yu----" o_O nagulat na lang ako ng makita ang isang umiiyak na binata.

"Claire?" bahagyang sabi nya. "Ate Claire?"

Hindi ko sya kilala.

"Uh? Sino ka??? Bakit mo ko kilala? Paano mo nalaman ang bahay ko?" sunod-sunod kong tanong.

"Ate Claire" bigla syang yumakap sakin. o_O

Hala anong meron?!

"Uh--wait!" bahagya ko siyang inilayo sakin kaya natigilan sya. "Sino ka ba?"

Ang creepy! Di ko sya kilala. Baka masamang tao 'to na may balak kidnapin ako o kaya ay pagnakawan. Ghaaad! Praning na kung praning. Pero kasi magisa lang ako dito sa apartment.

"Ate" bahagya siyang ngumiti sakin "Si Loui 'to" bahagya nyang hinawakan ang kamay ko, pero agad ko din inalis sakin ang kamay nya. "Ako 'to, Si Loui, Loui San Miguel" pagtutuloy nya.

Natigilan ako bigla. 'San Miguel'
Kinilabutan ako bigla. Sa di malamang dahilan. Para akong binuhusan ng yelo. Isang angkan lang ang kilala kong San Miguel.

"H-hindi kilala!" napataas ang boses ko kasabay ng kaba. Pero hindi ko talaga siya matandaan. "Umalis ka na dito" pagtutuloy ko. "Hindi ako si Claire."

No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon