LUKE'S POV
'Malapit ko na siyang makita'
Napangiti ako sa sarili. Malapit na.
Tumingin ako sa salamin.
'Masyado ng maraming nagbago, sayo, sakin at 'sa atin'. Pero hindi na kita papakawalan pa ulit.Ayoko ng maranasan lahat ng mga pagkakamali ko noon. Nasaktan ka ng sobra.
'SORRY CLAIRE'
~TOK TOK TOK~
"Come in" sagot ko
"Kuya"
"Oh Loui" nilingon ko siya. "May kailangan ka?"
"Ngayon mo na ba 'siya' pupuntahan?"
Tumango ako sa kanya.
"Gusto kong sumama" nakita kong seryoso ang mukha niya.
"Hindi mo kailangan sumama" napayuko siya sa sinabi ko.
"please" mahinang banggit niya
"Tss" tumayo ako. "Tsaka na kita isasama"
Bumuntong hininga siya, "Okay kuya."
Lumabas na din siya ng kwarto ko.
Kinuha ko ang cellphone ko.
"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Yo, kamusta ka na?" napangisi ako habang sinasabi yun
"Tsk. Buhay ka pa pala" pambawi niya sa akin.
"Mayabang ka pa din"
"Anong kailangan mo?"
"Alam mo kung anong kailangan ko" seryoso kong sabi. "O baka naman nabobo ka na dahil sa mga kagaguhan mo"
"Ako ba talaga ang g*go? O ikaw?"
Naikuyom ko ang kamao ko, "Kailangan ko siya"
"Bakit mo sakin sinasabi yan?"
"Gusto ko lang ipaalam sayo na kahit anong mangyari AKIN SIYA" kinuha ko ang baso ko at sinalinan ng wine.
"Naging sayo siya, pero mula ng ginago mo at sinaktan mo siya" huminto siya. "Nawalan ka na ng karapatan"
Halos mabasag ko sa higpit ng pagkakahawak ko ang baso.
"Kung wala ka ng sasabihin paalam na"
At saka nito binaba ang tawag. Hindi na dapat ako magtaka. Akala ko pa naman matatakot na kita. Pero mukhang hindi.
Nakakabwisit ka talaga. Magtutuos din tayo
SEPH.
*
"Sir, ready na po ang sasakyan" nakayukong pahayag ni Mang Ruel.
Tumango ako sa kanya."Sige susunod na ako"
Nagdesisyon akong magpapahatid na lang ako papunta sa hotel nina Nick.
Time check: 3:00 pm
Hmm. Inayos kong maigi ang kurbata ko. Pati ang suot kong coat. Gusto kong maging presentable bago humarap sa kanya.
Nilingon ko muna ang pendat na nasa side table ko
'Hindi na kita hahayaang masaktan'
Lumabas na ako ng tuluyan sa bahay ko.
*
I'm Luke San Miguel. 24 years old. Sa Los Baños ako nakatira at lumaki. Nandito din ang business namin pero minsan nasa Manila ako para sa ibang branch.