Chapter 2

130 6 25
                                    

Audrey

Naglibot muna kami sa buong campus tutal wala pa naman ang prof namin sa susunod na subject. Grabe maganda pala dito, tsaka mas lalo ko pang nakilala etong mga bruhang to. Ang iingay nila.

Nakapunta kami sa library nila, actually its nice! May mga paintings ng national artist na nakadisplay sa isang hallway. May mga artefacts din its kinda cute. Kaso di ko alam kung dito ba iyon nakuha, dinisplay lang o peke lang siya. Hindi pa kami nakapasok sa pinakaloob ng library cause we dont have library card pa. Tsaka nalang kapag mayroon na, feeling ko mainit din doon e. Nakikisunod lang sa nature ng campus but its nice to see that there is a library in this campus.

Ika nga "Para saan pa ang prestihiyosong paaralan kung wala naman itong library" at kung sinong Poncio Pilato ang nagwika non? Ewan. Nasabi ko lang wala kasi akong maisip na magandang quote about dyan e. Tinatamad akong mag-isip bakit ba?

Napadpad din kami sa Lagoon para kumain, nagugutom na rin kasi kami e. Buti nalang maraming pagpipilian dito at mura pa, kesyo sa dati kong school na mura nga hindi naman ganoon kasarap ang paninda. Hayts pero namiss ko pa rin yung paninda nila kahit hindi masarap at nire-recycle lang. Hahaha sorry my bad.

Time check: 9:56 am

Shocks simula na ng second sub namin. We are late.

"Gurls we are late. Its already 10" napahinto naman sa paglalakad ang mga bruha at nilingon ako.

"Seriously?" tumango nalang ako. Kaya tumakbo kami paakyat. Shocks sixth floor pa naman yung room namin. Galing kasi kami sa library, ayan takbo kung takbo ang drama namin ngayon

When we reached our room, the prof is in. Grabe hingal na hingal ako sa ginawa namin, punyeta may prof na sa loob pano na kami nito makakapasok. Baka sungitan kami.

"Guys lets face it. First day palang bitch na agad tayo hahaha" sabi ni Jennie

"Wooohhh kinakabahan ako baka pagalitan tayo mukhang masungit yung prof lalaki pa naman" sambit naman ni JC.

"Hay nako first day na first day natin sa campus may kalokohan na tayong nagawa nako. Lagot ako nito kay mama" nag-aalalang sabi ni Tricsy

"Hindi yan ako bahala" pagsisiguro ko sa kanila. Ako pa, dakilang bitch kaya ako dito.

Rumampa akong pumasok sa loob ng room sunod nito ang mga kaibigan ko, tinginan ang lahat sa ginawa namin maski ang prof namin. Huminto ako sa harap ng prof namin at hinanda ang speech ko.

"Good morning sir. Sorry were late" sabay ngiti dito. Tingnan lang natin kung hindi umepekto ang ginawa ko.

"O-okay take your seat" well. Okay na, hindi siya nagalit. Ganyan talaga ang nagagawa ng kagandahan.

Dali dali akong pumunta sa upuan ko at kinuha na ang notes ko.

"Bakit ka nalate?" tanong nitong katabi ko na mas gwapo pa daw kesa sa asawa ko. Eewww

"Pakialam mo ba?"

"Tsk ganyan ka na ba sakin?"

"Shut up. Nakikinig ako kay sir"

"Hindi naman mahalaga yan e, nagpapakilala lang yang gagong yan haha" wow as in wow. Lakas makasabing gago kay sir. Di ko nga magawa sa mga teacher ko yan e tapos siya. Tss.

"Okay class pakilala kay isa-isa lets start from the back"

Fudge what did he say? Starting from the back. Simula samin fudge. Lahat naman ay napatingin sa amin dahilan para mapalunok ako. Naunang tumayo si Brian at ngumiti ng malapad sa mga kaklase ko. Sila naman grabe ang tili. Tsss, nakakainis. Pero ang gwapo niya pa rin.

Flaming the Cold Heart of YOURSWhere stories live. Discover now