Chapter 5

71 8 5
                                    

Audrey

Hindi ako pinatulog ng maayos ni Cody, buyset naman kasi yung HAWAK KAMAY scene e. Ayaw ko na talaga, kasalanan niya to mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon kung hindi baka ewan na ako nito pag nagklase

Wala namang magagawa sa bahay kaya tinulungan ko nalang si mama na maglinis ng bahay, mabait po akong bata kahit minsan.

"Pa, aalis na po kayo?" tanong ko kay papa na dala ang maleta niya. Maga-abroad daw siya sa South Korea, haha ewan ko ba. Baka aayusin lang yung business namin sa Korea gusto ko nga sanang sumama para makita ko si Jungkook ko kaso bawal e kaya iyak nalang ako

"Yas darling. Just take care huh, babalik din ako ano bang gusto mong pasalubong?"

PASALUBONG?

Sino ba ang gusto kong pasalubong?

"Si Jungkook pa okay na sakin hihihi asahan ko yan pa ah, am so excited na" with matching tili tili pa pagkatapos kong sabihin kay papa. Grabeee alam kong imposible pero malay mo seryosohin ni papa.

"Sige na nga"

Woaaahhhh tama ba tong narinig ko? Sige daw! Meaning seseryosohin ni papa yung sinabi niya tingnan lang natin hahaha

Niyakap ko si papa tsaka hinalikan sa pisngi bago nito lisanin ang aming tahanan, mamimiss ko na naman siya. Yung ingay ni papa tuwing dadating siya, mga pasalubong niya at ang mga bonding sessions namin. Ako lang kasi ang anak nila e tapos dyosa pa.

"Tama na ang drama Audrey maghugas ka na ng pinggan" hay nako eto na nga ang sinasabi ang posibleng bago naming bonding moment ni mama. Ang maglinis ng bahay mukhang magiging masipag na ako nito huhuhu

"Wit lang ma shelfii muna tayo hihihi pang insta ko lang" biro ko kay mama. Binatukan naman ako nito ang hard ni mama sakin shelfie lang e.

At ayun na nga ang ginawa namin naglinis lang ng bahay tapos kumain tapos naglinis tapos natulog na ulit ako, pagkagising nagbrowse sa fb dami na ring friend request ko puro sa pito. PITO KASAMA SI CODY

Nako nako may pisbook pala tong lalaking to, una ko agad siyang inaccept sunod si Timothy at yung iba. Friend ko na rin kasi sina Tricsy, JC at Jennie kaya no need na. Nang-stalk din ako ng facebook nila grabe inuna ko yung kay Alex. Puro pangfab ang mga post niya mga damit-- ukay ukay ba. Yung kay Kim puro pagdadrama pero naka-English onti lang din ang mga pictures niya dito tulad nito.

Yung kay Nathan puro kalokohan ang laman ng post, kay Brian parang kalandian naman ang pinagpopost nagshe-share ng mga pics ng VS models tapos mga vids ng dance practice niya. Wow galing naman niya sumayaw sinubukan kong manood at grabe sobrang galing niya talaga.

Yung kay Theo as usual puro out of this world ang pinagpopost, nagshe-share ng nga non sense na post pero laftrip pa rin yung mga captions niya. At yung kay Tim may mga dance cover din pero more on kanta naman siya ang ganda ng boses niya kaboses asawa ko pag nakanta ganon din sa pagsayaw madami din siyang pinopost na picture

At yung nahuli kay Cody jusko walang masyadong kalaman laman ang pisbok, di ko nga alam kung alam ba niyang gumamit ng pisbok o wala lang siyang mastatus. Isa lang ata nakalagay at iyon ay ngayon. Wowww nagpost na rin ang koya mo, smiley face nga lang. Kauna-unahang post ni Cody sa pisbok na emoticon lang ang laman, ang kyot niya sa dp niya. Eto oh wit.

Onti lang may maayos na pisbok sa kanila haha. Kay Tim lang ata, Kyle at kay Nathan lang ang masasabi kong okay haha.

Kinabukasan maagang nambulabog ang alarm clock ko kaso inaantok pa ako kaya pinatay ko muna. Gigisingin naman ako mamaya ni mama e tiwala lang.

Flaming the Cold Heart of YOURSWhere stories live. Discover now