Unang Pagsasama

1.9K 69 21
                                    

Anim na buwan ang matuling lumipas, hindi namalayan ni Heart na tuluyan na ngang nahulog ang loob nito kay Thor.

Malambing. Maalalahanin. Hatid-sundo siya palagi ng binata. Panay rin ang tawag at text niya sa kaniya. Walang palya pa itong mag-alaga sa kaniya. At sa anim na buwan na iyong panunuyo sa kaniya, panahon na rin marahil ang nagsabing kailangan na niya itong sagutin.

Naalala niya three months ago na tinanong siya nito kung puwede ba siyang maging girlfriend niya pero tumanggi ang dalaga. Gusto pa niya kasing maranasan kung paano siya ligawan ng lalaki at pumayag nga naman si Thor sa kagustuhan niya.

At ngayong araw, saktong ika-anim na buwan na, petsa 21 ng Agosto ay sasagutin na niya si Thor. Ibibigay na niya ang puso at katawan niya sa lalaking mahal na niya.

Heart's POV

"Saan tayo pupunta, Thor?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang nakakaalam. Sa lugar na magugustuhan mo."

"Siguraduhin mo lang ha na magugustuhan ko 'yang sinasabi mo."

"Oo naman. Tiyak na magugustuhan mo."

Napangiti na lamang ako sa mga sagot ni Thor. Binabaybay namin ngayon ang daan patungo sa sinasabi niyang lugar. Dalawang oras daw ang biyahe. Kaya naman, naisipan kong umidlip.

"Heart! Heart!" Bigla akong nagising nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Napasarap yata ang tulog ko. Inayos ko muna ang aking sarili at tiningnan ang mukha ko sa front mirror ng sasakyang dala ni Thor. Pagkatapos niyon ay bumaba na ako.

"Welcome to Tagaytay Cove Hotel." aniya.

Namangha ako sa luhar at ramdam ko ang malamig at nakakapreskong paghalik ng hanging sa aking buong katawan. Napangiti ako. Ilang saglit pa ay hinawakan ni Thor ang kamay ko.

Pumasok na kami sa hotel. Napakalinis at napaka-friendly pa ng staff nang dumating kami. Habang kausap ni Thor ang front desk in charge, iginala ko ang aking paningin. Sa lobby ay tanaw na tanaw ko at talagang nakaharap sa transparent na sliding door ang lawa ng taal.

"Heart. Let's go to Room 105 fifth floor of this building. Doon makikita mo ang kabuuan ng Taal - ang lawa ng Taal." Tumango naman ako at nagpatangay muli sa paghawak niya sa kamay ko.

At tama nga ang sinabi niya, napakagandang pagmasdan ng lawa ng taal sa balkonahe sa 5th floor ng building. Napayakap ako bigla sa aking mga braso dahil sa lamig na nanunuot sa aking katawan. Nasa ganoon akong sandali nang may maramdaman akong pumulupot sa aking baywang.

"Nagustuhan mo ba?" Ang bango ng hininga niya. Alluring. Enticing. Seducing. Napapapikit pa ang aking mata habang sinisinghot ang napaka-manly scent niyang pabango - Parfume de Toilet. Imported.

"Looks like you are ready, Heart. Can I have this one night stand with you?" Mulagat ang aking nang marinig ko iyon. Bigla akong kumalas at pumasok sa loob. Nakasunod siya sa akin.

"P'wede na ba kitang maging girlfriend?" Natigilan ako. Iyon na ang mga katagang hinihintay ko. At parang may sariling isip ang aking katawan at napalingon sa kaniya. Sumunod ay bumuka ang aking bibig at nagsabing, "Yes, Thor."

Nagningning ang kaniyang mga mata at hindi yata siya nakapagpigil ay sinunggaban niya ang aking labi. Hindi lang isang beses niya aking hinalikan kung hindi makailang beses. Hinawakan niya ang pisngi ko. Patuloy siya sa paghalik. Unang beses akong nagpatianod sa sarap ng sensasyong iyon.

At ang sumunod na nangyari ay patnubay na ng magulang ang kailangan. Hindi ko na maaaring ikuwento pa iyon sa inyo.

Nakatulugan naming pareho ang nangyaring iyon kagabi. Hindi ko alam kong ilang beses pero ramdam kong may sumasakit sa pagitan ng aking mga hita. Nang bumangon ako, wala na sa tabi ko si Thor. Hinanap ng aking mata ang aking mga damit.

Nang makapagbihis ako at lalabas na sana ng kuwarto ay may narinig akong nagtatawanan sa sala. Isa sa mga boses na iyon ay kay Thor. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Hindi muna ako lumabas. Pinakinggan ko ang tawanan nila.

"Hanep ka pare! Ang galing pala niya sa kama." wika ng isa.

"Akalain mo, sabi niya first time niya pero mas wild pa siya sa akin kagabi?" boses ni Thor.

"Buti na lang naglagay kami ng CCTV sa loob at nakita namin ang galaw at ginawa ninyong dalawa." nagpipigil na ako nang mga oras na iyon.

"Kailan mo naman sasabihin sa babaeng iyon na hindi mo naman siya mahal? Na pustahan lang natin ito?" sabi ng isa pang tinig.

"Bago ko sagutin ang tanong ninyong iyan, ibigay ninyo muna ang napanalunan kong 50 thousand pesos." saad ni Thor. Doon na ako lumabas. Malakas ang pagkakabukas ko at pagkasarado ng pintuang iyon bagay na ikinagulat ng mga lalaking kaharap ko na ngayon. Lima sila kasama si Thor. Sambakol ang mukha ni Thor pero hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha - blangko.

"50 thousand pesos? Pinagpustahan mo lang pala ako, Thor? Totoo ba ang narinig kong hindi mo ako mahal? Na hindi totoo ang panliligaw mo sa akin sa loob ng anim na buwan? SUMAGOT KA!" Galit na galit na ako. Lumapit si Thor sa akin sa paraang nang-aakit at may ibinulong sa aking tainga.

"Tama ka. Hindi kita mahal. Pinaglaruan lang kita. Pinaglaruan ko lang ang tulad mong probinsiyana. What do you think of me? Papatol sa isang tulad mo? Pinaglaruan ko lang ang puso mo. Matagal na akong may girlfriend." Pagkatapos niya sambitin ang mga katagang iyon, dumaloy mula sa buo kong katawan ang tila isang kuryente patungo sa aking kaliwang kamay at buong lakas ko iyong ipinadapo sa kaniyang kanang pisngi. Mag-asawang sampal ang ginawa ko.

Sa tindi ng galit ko at hapding naramdaman nagbitiw ako ng isang masakit na salitang pagsisihan ni Thor habang buhay.

"ISINUSUMPA KO SA HARAP MO NGAYON! PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO SA AKIN."

"SA NGALAN NG PUSO KONG LABIS MONG SINAKTAN, PUSO RIN ANG MAGIGING KABAYARAN!"

Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon