Si Soltera

1.8K 59 20
                                    

Soltera's POV

Ano ba 'yan? Bakit hindi ko makontak si Heart. Nag-aalala na talaga ako sa kaniya. Sigurado akong may kinalaman si Thor sa pagkawala ni Heart.

Hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko kaya tumayo ako at lumabas upang subukang kontakin siyang muli. Palabas na sana ako ng lobby nang makita ko ang mga office mate ko na parang may pinagkakaabalahan at may pinapanuod.

Dahan-dahan akong lumapit upang makinig.

"Grabe naman 'tong ginawa sa babae. Masakit nga ang paglaruan ang puso ng isang babae."

"Sinabi mo pa! Walang kasing sakit. Parang tarak ng kutsilyo 'yan na unti-unting babaon sa dibdib mo hanggang maabot ang puso mo."

"Palibhasa kasi nahulog ang loob ng babae sa kunwaring anghel na mukha ng lalaking si Thor na iyan."

"At ang malaking kasalanan pa ng babae ay ibinigay niya kaagad ang katawan niya sa lalaking mukhang anghel sa labas pero demonyo rin. Mapagsamantala sa kahinaan ng babae tapos pagpupustahan lang pala. Vini-deohan pa. Saklap talaga."

Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko at nais na malaman kung sinong babae ang tinutukoy ng mga office mate. Kaya nagkunwari akong makipagkaibigan nang makasingit at makita ang pinapanood.

At nang mapanood ko ang video, talagang umakyat na sa ulo ko ang galit. Kaibigan ko ang nilapastangan. Kaibigan ko ang sinaktan. Best friend ko na si Heart ang pinahiya ng lalaking akala ko pa naman ay totoo ang hangarin niya kay Heart pero nasa loob pala ang kulo. Pinagpustahan niya lang ang kaibigan ko.

Laylay ang balikat kong lumabas sa opisina. Nagpaalam muna ako sa boss ko na mag-half day ako. Gusto kong hanapin si Heart. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang makita kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Kailangan niya ako sa mga oras na ito. Pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

Lumipas pa ang isang linggo ay hindi pa rin nagpaparamdam si Heart. Hindi ko na rin makita si Thor. Ang sabi sa Fitness First ay lumipat ng ibang branch ang lalaki. Lalo lang akong nainis sa lalaking iyon. Gustong-gusto ko siyang konprontahin sa ginawa niya sa kaibigan ko. Pero katulad ni Heart, hindi ko rin alam kung saan siya mahahanap.

Isang gabi, habang wala ako sa wisyong sumakay pauwi sa condo ko, napansin kong parang may nakasunod sa akin. Naisipan ko kasing mag-commute dahil na-miss ko rin ang pumara at sumakay ng jeep at bus.

Nang makababa ako sa eskinita dahil doon ang shortcut papunta sa condo ko, ramdam ko pa ring may nakasunod sa akin. Pero kapag lumilingon naman ako ay wala naman akong naaaninag.

Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ko na ang building kung saan naroon ang condo ko. 15 minutes walk na lang at mararating ko na iyon. Ngunit bago pa man ako makatawid ay may naramdaman akong may nagtakip sa bibig ko gamit ang isang panyong parang may kemikal. Nakaramdam ako ng pagkahilo at nawalan ng malay.

Nang magising ako ay sapu-sapo ko ang ulo ko. Masakit at nahihilo pa rin ako. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ko at napansing nasa isang damuhan ako. Malayo ang kinaroroonan ko sa condo ko.

Nakita ko rin ang dalawang kalalakihang nasa harap ko. Naka-cross arms ang isa at ang isa naman ay nakangisi pa sa akin. Agad kong niyakap ang sarili ko. Naka-sando ang mga ito. May mga tattoo pareho ang braso nilang dalawa.

"Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa akin ha?"

"Huwag ka mag-alala, miss. Katuwaan lang."

"Katuwaan ninyo mga mukha ninyo. Hindi ako laruan. Mas lalong hindi ako pukpok!"

"Aba, pare. Maangas. Gustong-gusto ko ang maangas na babae. Mas nakaka-excite."

Nang lumapit ang isa ay agad kong ipinadapo sa kaniya ang kaliwa kong palad. Mas lalo kong nagalit ang isa kaya naman isang malakas na suntok ang aking natikman sa sikmura. Mas lalo akong nanghina.

"BITIWAN MO AKO! ANO BA!"

Panay ang pagpupumiglas ko pero sadtang brusko ang mga nakasagupa ko. Masakit pa rin ang sikmura ko pero pinilit kong manlaban. Ang isang lalaki ay nakahawak sa dalawa kong kamay habang ang isa ay nasa pagitan na ng mga hita ko. Ramdam ko na rin ang pagdikit ng kargada niya kaya naman tinuhod ko iyon at napasigaw ito sa sakit.

Mas lalo ko lang talaga siya ginalit dahil ang suot kong manipis na palda ay pinunit na niya at nakita na niya ang aking panloob. Napapaluha na talaga ako dahil hinang-hina na ako. Nag-usal na lamang ako ng panalangin na sana ay may tumulong sa akin.

"Please, pakawalan mo po ako! Nagmamakaawa po ako!"

"Huwag!"

At isang suntok sa mukha ang natikman ko dahilan upang mawalan na ako ng ulirat. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon