1. Can't cross the line, forever

9 0 0
                                    

"Kath?" Liningon ko kung  sino ang tumawag sa aking pangalan.

"Oh Hailey, bakit?" Inayos ko ang eyeglass ko. Busy kasi ako sa Thesis ko. Matapos ko lang 'to wala na ang major problem ng buhay ko.

"Magpahinga ka naman. Ang haggard mo nang tingnan." Napangiti naman ako. Hindi nagpapahinga ang mga taong nasa crisis.

"Okay lang, sanay na akong haggard tingnan. Tapos mo na iyong sa iyo?" Tanong ko rito.

Umiling ito tsaka ngumiti.

"Finishing touch na lang." Pareho pala kami. Ngumiti ito tsaka nagpaalam na. Magpapractice pa raw ito sa pageant na gagawin next week. Iba na talaga ang maganda.

Hindi ko na mahagilap si Hailey kaya bumalik ako sa ginagawa ko.

"Pusang gala! Ba't ayaw tumabi." Kahit anong pindot ko ng delete eh ayaw. Tiningnan ko ng masama ang laptop ko.

Ilang minuto ang nagdaan ng may kumuha ng laptop ko.

Binusisi niya iyon at konting enter at delete lang ay isinauli niya sa akin.

"Kung may problema gawan ng paraan." Sumimangot ako. Hindi kayang gawan ng paraan ang pinakamalaking problema ko kung alam niya lang.

"Oo na. Eh sa ayaw niyang mag-cooperate." Binalik ko sa laptop ang atensiyon. Kung magpapadala ako sa isang 'to, walang mangyayari sa buhay ko.

Maya-maya ay tinawag niya ako.

"Kathy."

Hindi ako lumingon. Siya lang ang alam kung tumatawag sa akin ng Kathy kahit na Kath lang ang palayaw ko.

Alam kong may kailangan na naman ang taong ito.

"Kathy!" Inirapan ko lang siya.

"Kathy naman, walang ganyanan."

"Oo na, ano?" Isinave ko muna iyong gawa ko bako tumingin dito at nagtanong.

"May gagawin ka mamaya?" Sinasapian na naman ng Yokai na ang pangalan ay Paasa si Aries.

"Shet lang Aries. Maghunos dili ka." Tumawa ito at napaubo. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ikaw naman Kathreese, kung anong iniisip mo. Papasama lang sana ako." Hindi pa rin ito makamove on at hihinto ito't tatawa. Napailing na lang ako at inayos ang eyeglass ko.

"Tumigil ka na. Mamatay kang tumatawa diyan, ako pang may kasalanan. Saan? Nakikita mo naman sigurong busy ako para sa future no?" Turan ko dito. Ganito ito palagi, kahit na pwedeng puntahan ng mag-isa eh magpapasama.

"Sa National Bookstore. Bibili ako ng mga gamit para sa requirements namin. Sige na Kathy. Alam ko naman love mo ako." Ngumiti ito at nagpacute. Ang sarap lang tadyakan.

"Hoy San Gabriel, kaibigan mo ako...hindi nanay. Anong oras?" Napahinga ko ng malalim. Wala akong magagawa, kaibigan eh.

"Thanks Kathy, you're the best! 5 sa parking lot." Nakangiting aso ito habang naglalakad paalis.

Napailing na lamang ako at napatitig sa microsoft word.

Nawala tuloy iyong mga ideya sa isip ko. Walang hiyang Aries.

Napagdesisyonan ko na lang na patayin ito at umalis na. It's 4 in the afternoon at may isang oras pa ako.

*****

Palakad-lakad lang ako sa pathway ng mapagtanto ko, saan naman kaya ako pupunta? Wala akong klase ngayon dahil Tuesday, Thursday and Friday lang ako may 7.

Nasa mood na ko eh. Productive na sana. Aries naman eh! Sarap niyang sapakin, promise.

Hinalungkay ko ang bag ko at hinanap ang phone ko.

"Bakit wala dito. I'm sure nandito iyon kanina. Ay, baka naiwan?" Kahit anong halungkay ko ay wala talaga.

"Gosh! Cellphone ko!" Dali-dali kong tinahak ang daan papuntang student's lounge. Baka, naiwan ko lang.

Anak ng tsinelas! Walang gamit sa mesang kinaupuan ko kanina. Naglakad iyon, ganun?

Pumunta ako sa kabilang mesa at nagtanong.

"Jess, may nakita kang phone dito?" Tanong ko sa kakilala kong hanggang ngayon ay nandito pa rin.

"Phone? Wala akong nakita Kath eh, hindi ko namalayan. Bakit?" Ay joker din si Jess, malamang nawala.

"Ah, okay. Salamat, hahanapin ko nalang. Nagbabaka sakali lang, baka dito ko naiwan iyong phone ko eh." Ngumiti ako dito bago umalis.

Ano ba naman 'to. Wala pa namang password yun.

I looked at my watch and gasp, 4:48 na. Wrong timing naman eh.

Nagmartsa ako papuntang parking lot. Mabuti na ang mauna kesa mahuli. Baka tinago ni Aries. Loko-loko iyon kung minsan eh.

Hindi nga nagtagal ay dumating si Aries. Hindi pa nga 5 pero nandito na kami. Dapat kami ang tularan, papasa nang most punctual.

"Aga ah. Excited?" Inirapan ko ito. Wala ako sa mood.

"Excitedin mo mukha mo. Phone ko? Nasa 'yo?" Inilahad ko pa ang kamay ko.

"Ha? Anong nasa akin? Anong pinagsasabi mo diyan Kathreese?" Kumunot ang noo nito ng magmura ako.

"Kababaeng tao, nagmumura. Pasok na." Wala akong choice kundi ang sumakay. Iyong cellphone ko. Saan kaya iyon napunta. Hindi ko pa naman alam kung may project W.A.T.C.H ba dito.

Ibinigay niya ang cellphone niya sa akin na ikinagulat ko. Nahiya ang Samsung ko sa iPhone niya.

"Tawagan mo." Agad akong tumalima. Malay mo, magbago isip niya.

Pero bago iyon ay napatitig muna ako sa wallpaper nito.  Babaeng may dalawang sungay, Ram ang meaning ng wallpaper nito. Nakakaewan din ito kung minsan.

I called my phone twice and hindi pa rin sinasagot. On the third ring, someone answered the call.

"Meet me at the tallest building's rooftop tomorrow morning."

All I could hear ay ang constant beeping. Did he just...what?

Walang man lang "Hello"  o kaya "Ang may-ari ba 'to ng cellphone?" Gosh, manners.

"Anong sabi?" Tanong ni Aries habang paliko sa parking lot ng NB.

"Meet me tomorrow morning daw."

"Samahan kita?" Umiling ako. Kaya ko naman.

"Okay lang, ako na. May pasok ka." Bumaba na kami pero ito eh hindi pa ata nakakamove on.

"Paano kung siraulo ang isang 'yon?" Napailing ako. Ayoko na.

"Ang nega mo lang Aries. Okay nga lang ako. Kaya ko naman. Tatakbo ako promise." Sinabayan ko iyon ng tawa. Tapos ang usapan.

We've been friends since our world began. Magkakilala na kami noong pinagbubuntis pa ata kami ng mga nanay namin. He's even there when I had my first menstruation. Siya pa nga ang bumili ng pad ko. Kasama niya ako noong nagpatuli siya kahit labag sa loob niya, sa clinic kasi siya ni Mama nagpatuli. Naaalala ko pa ang maputla niyang mukha. Para siyang mamatay noon ng makita ang mga dala ni Mommy.

Me and Aries, we are born to be each other's friend.

We bought lots of things. Hindi ko alam kung para saan ang mga ito pero I have a clue.

He then treat me dinner. Ang bait lang ng mokong. Iniuwi niya rin ako ng bahay pero hindi na siya pumasok kahit anong pagpupumilit ng Mommy.

Pumanhik ako sa taas at tinunton ang kwarto ko. Long day it is.

Dala ng pagod ay pumikit ako. But I can't sleep.

"Meet me at the tallest building's rooftop tomorrow morning."

Naalala ko iyong sumagot sa tawag kanina. Ang gwapo ng boses niya pero ano bang trip niya sa buhay at bakit may pameet me at the rooftop pa siyang nalalaman?

The Other OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon