2. The connection between us

9 0 0
                                    

Should I? Or should I not?

Why would I? Hindi ko nga kilala ang taong iyon eh. Baka scam o rapist. Malay ko.

"Pupunta o hindi? Pupunta o hindi?" Ano ba talaga? Puno ng mga tanong ang utak ko ngayon dahil lamang sa cellphone na iyon. Hindi naman niya sinabi ang exact time. Alas siyete pa lang ng umaga. May limang oras pa ako para mag-isip.

"Hindi ba sabi ko sa iyo, sasamahan kita?" Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil lamang sa nagsalita.

"Aries naman! Papatayin mo ako? Ha? Umaga pa lang, gabi ka manggulat oy. Grabe siya." Hawak ko pa rin ang dibdib ko. Aatakihin ako ng wala sa oras.

"Kathy, alas otso pa klase ko. Samahan na kita tsaka wag kang OA. Pumapasok nga ako sa kwarto mo ng walang pahintulot tapo-aw!" Sinipa ko paa niya dahil ang daldal niya. Umiling na naman ako.

"Ayaw mo na ba akong makasama? Kahapon ka pa tanggi ng tanggi Kathy ha." Nandiyan na naman siya sa kalokohan niya.

"Tumahimik ka nga. Kaya ko naman yun. Kukunin ko lang naman. Kailangan ba buhatin iyon at magdadala ako ng alalay?" He made a face and frown. What he did next was beyond my imagination.

"Wow ha. Nahiya naman ang kaguwapuhan ko sa term mo. Alalay talaga?" Nasa gitna kami ng pagbabangayan ng may dumating.

Feeling ko tuloy lumiit ang lugar na iyon. Pero kahit na, I will give her my smile.

Iyon nga ang ginawa ko at ngumiti dito.

"Hi Hailey. How art thou?" Tanong ko dito.

Umupo ito sa tabi ni Aries at ayon, ngiting-ngiti ang loko.

"Okay lang ako Kath, para namang hindi tayo nagkita kahapon." Tumawa ito at nakisabay na rin ako. Sabi ko nga, nagjoke ako.

"Hail, anong ginawa niyo kahapon?" Tanong ni Aries dito.

"Pinatawag kami ni Sir Dean para sa pageant bukas. Why? Hindi mo natanggap text ko no?" Natulala ako. Okay, mag-usap kayo diyan na parang wala ako.

Alam ko na kung anong mangyayari kapag ganito ang eksena. Kunwari ay kasali pa ako sa usapan pero habang tumatagal ay sa kanila nalang umiikot ang istorya.

Para akong kandila kung ganito ang eksena, unti-unting nauupos. Unti-unting nawawala.

Kaya nagpaalam ako kay Aries bago pa iyon mangyari na parang hindi naman ata ako narinig.

Dala-dala ang mga libro ko, pumunta ako sa building ng mga future teachers. Ito ang building ko at ito ang pinakamataas na building sa campus kung hindi ako nagkakamali.

Umakyat ako papuntang rooftop. Madalas ako rito. Kung nayayamot ako kay Aries o masama ang araw ko.

Narating ko na ang rooftop. Nasa tapat ako ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Na feeling ko may masamang mangyayari sa buhay ko kung bubuksan ko ang pintong ito.

"Gosh Kathreese. Anong problema mo?" Binuksan ko ang pintuan at sinag ng araw ang sumalubong sa akin.

Sa pagkakaalam ko, quarter to eight pa ata pero ang sakit na ng sikat ng araw.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar.

And then I paused for a while, there's the back of a man. He is facing the direction of the sun kaya hindi ko makita ang mukha niya. He's wearing the school's uniform pero pinatungan nito ng jacket. Nakajacket siya kahit tirik na tirik ang araw. Iba talaga ang trip niya sa buhay.

"H-hello." Gosh nauutal ako. Inayos ko ang eyeglass ko at unti-unting humakbang palapit dito.

"Mister?" Then he turned to face me.

The Other OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon