Chapter 9.1

46 0 0
                                    

Angelo's POV

FLASHBACK

Umulit ako kumanta.

Tatawid na si sandreng mylabs para puntuhan ako sa tapat ng bahay nila.

Sa sobrang excited niya na puntahan ako.

Di niya namalayan na may sasakyang padating.

10 wheeler truck.

"Iloveyou Sandreng ko!" Sigaw ko.

Iniangat ko ang ulo ko at doon nakita ko si sandreng ko na nakahiga na sa gitna ng kalsada puno ng dugo.

"Tita, Beks, Tito, Kuya! Tulong! Tulong! Tulong!" Pagsisigaw ko.

Kaagad namang lumabas sila tita at tito. At tinanong ako kung ano ang nangyari. Hindi ako makasagot.

Sinakay na kaagad namin siya sa sasakyan ko.

"Ralph Angelo!" Tawag sakin ni beks

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Ewan kooo--- hindi ko --- shit ---- alam----" sabi ko habang umiiyak ako.

Nakakabakla man ang pagiyak ng isang lalaki. Pero mahal ko talaga siya e. May magagawa ba ako?

Puro dugo na ang kamay ko. Kakahawak sa mukha ni sandra.

Nung nakadating na kami sa ospital, pinasok ka agad siya nung nurse sa Emergency room.

Gusto ko pa sanang siyang sundan kaya lang bawal na.

Napaupo nalang ako sa sahig at napahawak sa mukha ko.

"Tanga mo angelo!" Urggghhh sabi ko sa sarili ko.

"Angelo, stand up." Her daddy said.

Tumayo ako at yumuko. Alam kong maiinis tong tatay niya sakin.

"ano ba ang nangyari?" He asked.
Then i started to cry again.

"Eh kasi po tatawid na po sana siya para puntahan ako pero di niya po napansin na may sasakyan na papalapit."

"Sorry po." Sabi ko sabay luhod sa harap ng tatay niya at nakayuko.

"No okay lang yun Ralph Angelo."  Her daddy said.

"Hindi po okay yun nasa malalang condition po ang anak niyo ngayon. Pasensya na po talaga kung alam ko lang po na mangyayari to edi sana ako nalang po yung tumawid. E di sana ako nalang po yung nandyan sa emergency room." Sabi ko.

"You don't have to say sorry ng paulit ulit iho. I know hindi mo intensyon na saktan siya. And sa sobrang excitement niya sa panliligaw mo sa kanya, ayun di niya napansin na nabangga siya ng ten wheeler truck.Let's just pray for her fast recovery.Okay?" Sabay tapik sa likod ko.

"Okay tito. Thankyou po."

Then I started to pray.

APRIL 23, 2016
11:04 PM

"Hello po, sino po ang kasama ni Ms. Sandra Camille?" Dinig kong sabi ng doctor.

"Im his dad. Ano na nangyari?" Her dad asked.

"She's already awake, sir. But let me tell you that she's experiencing amnesia right now. Masyado kasing naapektuhan yung ulo niya that's why nagkaroon siya ng amnesia. Im so sorry po sir." Malungkot na sabi ng doctor.

"Okay po." Dinig ko ang malungkot na boses ng dad niya.

Lahat ng ito ay kasalanan ko!

"Dad, Sandra's already awake! Didn't you heard that?" Her brother asked.

"Parang ayaw ko muna pumasok sa loob dahil masakit sa kalooban ko na nagkaroon siya ng amnesia. Hindi pa akong ready na harapin siya." -tito

"Dad! She getting her strength to us! Our whole family. Ngayon ka pa ba susuko?"

"Oo nga naman hon. Let's do this for her okay." -tita

"Hayop ka ralph angelo! Nagkaroon pa ng amnesia si Sandra dahil sayo! Leche ka! Hayop ka!" Sinapak niya ako sa tiyan.

Okay lang naman deserved ko namang masapak dahil sa kagaguhang ginawa ko. Sabi ko hindi ko siya sasaktan pero nasaktan ko na siya.

"Ano ba! Alam kong masakit sa part mong bakla ka na nagkaroon ng amnesia si Sandra. Lahat naman tayo nasasaktan para sa kanya pero hindi naman kailangan na dumating pa sa puntong kailangan mong manapak bakla ka!" -kuya

"Tama na! Pumasok na tayong lahat sa loob." Pagaaya ng tatay ni Sandra.

Pumasok kami ng kwarto niya.

Nakakatulala siya at may benda ang kamay. May benda din ang paa niya. May saklay pa nga sa gilid ng kama niya.

Nasaktan ko na siya.

Nagdecide ako tumalikod habang kinakausap nila si Sandra.

Pero....

"Kung ikaw ang Daddy ko, sino naman yang lalaki na yan?" Tinuro ni Sandra sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko na tila ba hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nang bigla siyang sinagot ni beks na

"Ah. Malayong tropa natin yan."

Napakasakit sa dibdib yung tipo ba ilang oras nalang ang itatagal ko sa mundong kinabibilangan ko. Wala na nga akong pamilya, mawawala pa yung taong bumago sakin. Wala na. Ang tanga mo Ralph
Angelo.

Nanginginig ako sa galit at inis. Gustong gusto ko sapakin yung bakla niyang kasama kaya lang wag nalang. Ako din naman ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente. Ako ang may kasalanan ng lahat, kaya tama lang na wag niyang malaman na mahal niya ako. Dahil baka pag nalaman niyang mahal niya pala ako e, bigla niya akong tanunging

"kung mahal mo ako bakit mo ako hinayaang masaktan ng ganito?"

At ayoko nang mangyari ang mga bagay na iyon. Gustuhin ko man na lapitan siya at sabihing ako ang pinakamamahal niyang lalaki kaya lang hindi ko magawa.

Napagpasiyahan kong lumabas muna sa kwarto niya, pero narinig ko nanaman ang boses niya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo? Kuya?" Tanong ni Sandra.

"Ralph Angelo ang name ko Sandra." Sabay ngumiti nalang ako ng pilit.

Mahirap magpanggap na isa ka lamang na kaibigan niya, pero yun muna ang hinihingi sa amin ng tadhana.

-------

My Perverted SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon