Kring kring kring
Arrgggghh! Ano bayan, umaga na naman?
Kring kring
Kinuha ko ang alarm clock ko at tinapon kung saan saan. Istorbo sa pagtulog eh.
Tok tok tok
Aishh
"Arisa, bumangon kana dyan at baka malate kapa sa klase mo." si yaya neyang yan. Inaantok pa ako 5 minutes pa please
"nak, gumising kana dyan. May naghihintay sayo sa labas. Sesermunan kana naman ni Ash..." agad akong napabangon sa kama ko dahil narinig ko ang pangalan niya sabay sigaw
"Waaaahhhhh! Nay, anong ginagawa niya doon?" Inayos ko ang gulo gulo kong buhok. Inaantok ako pero nagising diwa ko dahil sa lintek na payatot na ash!
"Hinihintay ka. Maligo kana't baka magbuga payun ng apoy.... Ano na naman ginawa mo sa alarm clock naku ikaw talagang bata ka Blah blah blah" hindi kona pinakinggan pa ang sinabi ni yaya neyang. Pumunta na ako sa banyo
***
Pababa na ako ng hagdan. May naririnig akong tao sa kusina."Yaya Neyang? Ikaw bayan?" walang response. "yaya!"tinawag ko ulit pero wala parin. Siguro busy siyang magluto. Pumunta na ako sa kusina at laking gulat ko ng makita ko si ash na kumakain. Napatigil siya at tumingin sa akin na nakakunot ang noo
"What's that face Aris?" tanong niya sa akin "hmm, nakikain na ako dito. Nagutom kasi ako kakahintay sayo. Bakit kasi ang bagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo sa labas. Buti pinapasok pa ako ni yaya neyang. Umupo ka na dito para makakain na ako." si ash yan. Kala mo kung sinong nagmamay ari ng bahay eh. Nakikikain na nga lang, siya pa bossy. -__-
"Hiyang hiya naman ako sa nagmamay ari ng bahay nato!" insert sarcasm here. Umupo na ako. Kumuha ako ng pagkain konti lang. Diet ako eh dejoke hahaha Wala akong gana dahil nan dito si Payatot. Tumingin siya sakin binigyan niya lang ako ng matamis niyang ngiti. Pero infairness masgumagwapo siya pagnakangiti hihihi. Napatitig na lang ako sa kanya habang kumakain
"Tsk! Pinagpapantasyahan mo na naman ako Aris" pinagpatuloy niyang kumain
"kapal ng mukha mo Ash! Ikaw pagpapantasyahan ko? ASA ka pa. Hinding hindi kita pagnanasahan wala naman akong makikita sayo bukod sa payat mong katawan!" nahuli niya ata ako eh, bakit ko pa kasi siya tinititigan. oh wait. What did I said a while ago?? Oww, holly crap!
"wahahahaha. S-so may haha pagnanasa ka nga sakin Aris hahaha. Huli ka din sa akto" tuwang tuwa pa siya eh! Tumayo na siya tapos na sigurong lamunin lahat ng pagkain habang ako tatlong kutchara pa lang sinusubo ko "Aris! Ang babaeng may pagnanasa kay Ashton
"Arghhh, Ashton nakakainis ka talaga kahit kailan!" Tumayo na ako hindi kona tinuloy ang kumain dahil sa payatot nayan
"Nanay neyang alis na po kami. Salamat po sa pagkain. Busog na buaog po ako lalo na si aris" sigaw ni payatot na tumatakbo na palabas ng bahay namin
"hoy payatot pinagsasabi mo diyan?! Konti pa nga lang kinakain ko eh. Nanay neyang inubos po lahat ni Ash yung pagkain kaya hindi po ako nakapag almusal" nagpout ako. Si ash naman nasa tapat ng pintuan namin. Lumabas si Nanay neyang sa kwarto ko na may hawak na tumbok na damit.
"Nak, ipagluluto kita ulit. Maghintay ka diyan sa baba mabilis lang ito"
"huwag na po nay busog pa po ako. Kaya niyo pa po bang buhatin yan nay? Tulungan ko na po kayo" baka kasi nahihirapan na si yaya neyang
"kayang kaya ko na to nak. Ingat kayo" yaya neyang
"nay alis na po kami." si ash yan. Ang bastos talaga nitong payatot! Kinaladkad ba naman ako palabas ng bahay.
YOU ARE READING
Another Dimension
Teen FictionThe entrance to another dimension is right there beside you, hiding in different areas of your normal life. Perhaps the dimension you live in is different from mine, Maybe my dimension is not a real one. It may very well be that the people surroun...