*LIGHT'S POV*
"LA la la la la laaaah!"
Kita ko ang paglaki ng mata ni Winona nang bigla ko siyang hilahin sa kamay habang papasok na siya sa room at kumakanta pa siya. Dinala ko siya sa likuran ng room namin.
"Light, ikaw pala? Maglalaro ulit tayo sa ulan ng tulak-tulakan? May bago akong laro...bundul-bundulan!" sabi niya.
"Bakit ba palagi kang kumakanta kapag pumapasok ka, ha?" bulyaw ko sa kanya.
"Alin? 'Yong...la la la la la?"
Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya. "Yes! That! Pwede bang huwag mo nang gawin iyan?" sabay tanggal ko ng kamay ko.
"Bakit? Favorite song ko iyon, eh..." nakalabi niyang sagot.
"Teka, ano bang title ng song na iyon?"
"La la la!"
Argh!
What do I expect?
Mahihirapan talaga akong tanggalin ang katangahan nito. "Okey. Ganito ang gawin mo. I want you to enter our room again without singing that La la la!"
"Bakit kailangan kong gawin iyon?"
"Because you have to. Nakakairita! Sige na, gawin mo na."
Umiling siya. "Hindi ko kaya."
"Kaya mo!" giit ko.
"Hindi sabi!"
BINABASA MO ANG
Stupid You, Stupid Me
Teen Fiction"She's slow, naive, innocent, ignorant and stupid. That's why I hate her! But, should I call my self stupid too because I am falling in love with her?"- Light Forbes.