Hey Guys! This is my first short story so Enjoy. Sorry for the wrong grammars though.
----
"Weee!!! I am so excited sa pagiging staff GIIIRL!" ^_^
"Ma'am, ayos ka lang po ba?" Tanong ni manang habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Ahh... Manang ayos lang po ako. Pasok po." Tinago ko muna si Ivantoy. Sana di siya magagalit sa ginawa ko.
Binuksan ni manang ang pintuan. Ito na...
"Ma'am Inie (Aynee ang pagbasa) malapit na po tayong umali--"
1...
2...
3...
"Hala! Diyos ko! Miss Inie Robin Winchester! Anong ginagawa mo sa sarili mo! Tanggalin mo iyan at magpalit ka ng damit!" Ito na nga ang sinasabi ko. Pilit kinuha ni manang ang baduy kong cap at ang long sleeve na weird kong damit. Para na kasi niya akong anak kaya ganyan siya.
"Teka po manang, sandali! Huminahon po muna kayo." Pinaupo ko si Manang. Mabuti at huminahon na rin siya.
"Disguise ko po ito para di ako i-recruit ng studio."
"Eh bakit ayaw mo naman? Maganda ka, ang kinis ng balat mo, 20 years old ka na, may porma naman ang katawan mo, at higit sa lahat, magaling kang kumanta. Ba't ayaw mo?" Tila nawe-weirdohan si manang. Di ko pwedeng sabihin sa kanya.
"Eh kasi hindi pa po ako handa. Nahihiya ako! >,< Gusto ko lang pong maging staff girl muna. hanggang may confidence na akong mag-try sa pag-aartista." LIES! Sabihin mo na lang na may crush ka! Hmpf.
"Pero alam naman natin hija na anak ka ng may-ari ng Gmx8 studio. Sa dinami-daming trabahong mapipili mo ba't staff girl pa sa bagong lipat na si Ivan Sandler ang pinili mo?"
Nang narinig ko ang pangalang Ivan Sandler ay yumuko ako. Eee! Nagbublush ako. *>,<* Ano ba naman ito? Everytime I heard his name ay naging kamatis ako!! Ano baa!!! Worse, kinikilig ako! Haha. ^0^ Mukhang alam ninyo na kung bakit ha.
"Ha... ah... eh... Secret! Kaya nga ako nakadisguise eh." Nagsmile ako kay manang. Si manang naman, parang nakahalata na pero di ko na lang pinansin pa. "Tara na po manang at baka ma late pa akooo!" Umalis na kami sa kwarto ko.
Ay! Nandyan pala kayo! ^0^ Naku, di ninyo alam ang whole story di ba? Oh, ito ang flashback.
*Flashback*
"Haay, Ivan! Ang gwapo-gwapo mo talaga!" Hinug ko ang stufftoy ko na ang mukha ay nakadikit ang picture ni Ivan. Oo. Ako ay fan ni Ivan na dahil sa sobrang fan ko ay may collection ako sa mga pictures niya sa stockroom ko na tanging ako lang ang nakakaalam. Pero sayang at sa ibang channel siya nabilang. :( Hinug ko ulit si 'Ivantoy' (Ivan + Stufftoy) hayy... sana lumipat ka nang ibang studio.
=_= Ang boring naman. Kinuha ko ang remote control and turned the TV on. Discovery channel? Boring. Lipat... lipat... Horror movie? Not in the mood. Lipat lipat... Chika-chika sa intriga? Hmm.... sounds interesting.
"Magandang araw mga chikadoras, ako si Kris Abunda at andito naman tayo para magchikahan sa latest intriga! Ang ating chika number 1..." Hayy... ang boring naman. Kinuha ko ang remote control and I was gonna turn the TV off ng biglang... "... Si Ivan Sandler ng channel Tv6 ay lilipat na po sa Gmx8" Wait. Gmx8?! Studio namin yun ah! Imbes na ipatay ko ay linakasan ko pa ang volume. "At magkakaroon po siya ng concert next week--." Pinatay ko ang TV At mabilis na pumunta sa kwarto ni papa na parang si Flash kung tumakbo.