#MGDCHide&Seek

8.9K 449 75
                                    

|Rhian|

Tanghali na kong nagising kinabukasan dahil pakiramdam ko, umaga na ng makaramdam ako ng antok. After the conversation that happened between me and Glaiza I wasn't able to sleep well. Bumalik ako sa kama ng masigurong hindi na sya babalik, but then I was tossing and turning almost the whole night.

Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang naghahanap ng maisusuot sa luggage ko ng marinig ko ang mahinang mga katok sa pinto.

Naisip kong baka si Glaiza ang kumakatok. I am not yet properly dress, nakasuot lang ako ng maiksing robe at nakapulupot pa sa buhok ko ang isang tuwalya.

Pero naisip kong posible din namang hindi sya ang nasa likod ng pinto.

I took my time walking through the door. Kung sinuman ang kumakatok na 'to, maghintay sya.

Bahagya ko ng binuksan ang pinto at ulo lang ang inilitaw.

Napakunot noo ako ng mabungaran ang isang dalagita na marahil ay hindi pa aabot sa eighteen ang edad.

"Yes?" Tanong ko ng hindi kaagad ito nagsalita, sa halip ay magiliw lang na ngumiti.

"Ma'am Rhian, ako po si Gabby. Anak po ako ng mayordoma at katiwala dito sa Rancho. Ipinagbilin po kayo sa'kin ni Ate Glai, kung hindi pa daw po kayo gising ng alas dyes, katukin ko na daw po kayo para mag agahan." Bahagya itong sumulyap sa suot na relo. I don't know what brand but it looks expensive. "Pasado alas dyes na po at nakahanda na din ang almusal nyo. Gusto nyo po bang iakyat ko dito --"

"No, I'll just take it downstairs." Nakita kong kumunot ang noo nya kaya naisip kong baka hindi nya ko naintindihan. "Oh, you understand English, do you?"

"Y-yes Ma'am, hindi lang po kase ako sanay na may kumakausap sa'kin ng English. Tsaka ang galing po ng accent nyo, amerikanang amerikana ang dating." Amazement was written all over the young girl's face.

Bahagya akong natawa sa sinabi nya. Magaan ang loob ko sa dalagitang nasa harapan ko, naisip kong mukhang magkakasundo kami.

"Would you mind helping me with my luggage?" I asked her, I wanted to talked to her more. Maybe asked her some things about the ranch and about Glaiza.

"Sige po Ma'am, wala pong problema." Maluwang ang ngiting sagot nito.

Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok sya.

"I'll just go get dress." I said after grabbing my clothes on the bed. "Help yourself out with my luggage. Just ... just put it all in the closet."

Matapos makapagbihis at masigurong presentable na ang itsura ko, tsaka pa lang ako lumabas ng banyo.

Paglabas ko ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Gabby. Natagpuan ko sya sa walk in closet, fixated on arranging and putting my clothes in the closet.

Siguro ay naramdaman nya ang presensya ko dahil napalingon sya sa gawi ko at ngumiti.

"Tapos na po Ma'am. Inayos ko na din po yung closet ni Ate Glai, ang gulo na kase eh."

Tumango lang ako at bahagyang lumapit sa kanya.

I saw my clothes next to Glaiza and I felt a sudden warmth in my heart. Masyadong intimate ang kaisipang magkasama ang mga damit namin sa iisang closet. But then again, reality dawn on me. We're a couple now, and not just a couple ... a married couple. Kaya natural lang na magkasama ang mga damit namin sa iisang aparador.

Gusto ko sanang ipalipat kay Gabby ang mga damit ko sa kabilang closet pero ayoko namang maghinala sya. I may not be an ideal wife to Glaiza but I will not put her in a compromising situation. Besides, maaapektuhan din ako kung sakaling may makaalam sa rancho na arranged marriage lang ang lahat. I don't wanna be the center of gossips in this town, lalo na at halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito at mabilis kumalat ang anumang tsismis.

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora