Andito nako ngayon sa III- B, ang room ng mga lalaking 3rd year, Kung saan dito ang section ni Dwayne.
Eto kasi ang parusa sakin. 1 month daw ako katagal dito.
Grabeng magparusa teacher namin. Quiz lang naman yun eh.
Katabi ko ngayon si Dwayne.
" Babes? Kawawa ka talaga. hahahahahahahahahaha"
Si Dwayne. Kanina pa nya ako pinagtatawanan dahil daw madali daw ako ng madali kanina para magreview. Pero bumagsak padin daw ako.
" Tse. Kasi ikaw ehh kung hindi ka nakipaglandian sa babae mo ode sana nakapagreview ako ng matagal."
" Babes. Are you jealous?"
Tapos nag smirk sya.
Oo.
Nagseselos ako
Pero nung nalaman ko sa babae ibig sabihin ng babes para kay Dwayne.
Nawala na ang selos ko.
Pero syempre ayokong umamin sakanya na nagseselos ako..
" Spell ASA"
Yan nalang ang nasabi ko.
" Sus. Deny pa si babes oh. Pero okay din yang punishment mo. Lagi tayong magkasama."
Awts.
Kinilig naman ako dun.
" Ayaw ko nun. Nagsasawa nako sa muka mo."
Pero ang totoo.
Masaya din ako sa punishment ko.
" Ikaw babes magsasawa sa muka nito. Ikaw lang ata ang nakilala ko na nagsasawa sa mukana pogi."
" Syempre iba ako ehh."
Tapos may sinabi sya. Mahina nga lang. Pero narinig ko padin.
" Oo. Iba ka talaga. Kaya ikaw ang babes ko ehh."
OhMy! Kinikilig talaga ako.
It means na ako talaga ang mahal niya..
Pero malay ko ba kung totoo.
Di naman sya mismo ang nagsabi sakin ehh.
" Babes? Kelan mo ba ako tatawagin na babes? Kawawa naman ako ehh. Ako lang ang tumatawag na babes. Wala man lang ako natatanggap."
" Kapag naging tayo."
Ha?? Ano sinabi ko? Bat ganun ang nasabi ko. Ang sasabihin ko dapat ay ' mangarap ka ' pero bat hindi yun yung nasabi ko.
^______________________^- sya
Ngumiti sya ng napakalapad
" Ehh babes naman. Nahalikan na nga kita. Tapos magpapaligaw kapa."
Aii. Pnaala pa ng loko na nahalikan nya ako. Namimiss ko tuloy."
Ayyyy. Ano ba iniisip ko.
Bad Daphne..
" Tss. Ano naman kung nahalikan mo na ako. Ano connect nun sa panliligaw? Saka kelangan manligaw ka muna. Bago maging tayo."
" Eh dba nga fiance na kita? Ba't kelangan pa ng ligaw?"
" Kinareer mo naman. Fiance nga pero di tayo may gusto nun. Kelangan manligaw ka muna bago maging tayo."
" Si babes oh. Di nagalit nung sinabi ko na kelan magiging tayo. Ang ine- expect ko na magiging reaction mo ay mataray. Pero di pala. May gusto ka sakin noh?"