Chapter 1:First Day at AB Academy ^_^

71 2 0
                                    

Hello Readers! Pangalawa ko pong story ito, sana poh magustuhan at basahin niyo poh hanggang dulo. Thanks poh ^__^

~IamJaaade

Written by: IamJaaade

------------------------------

MACEY'S POV

Hi Everyone ! I'm Macey Jane Garcia. 15 yrs. old. 3rd year high school ngayon, at papasok na ako sa bago kong school na paglilipatan ko. Medyo hndi kasi maganda ang mga nangyari sa dati kong pinag-aaralang school, kung ano man yun eh akin na lng .... hndi pa ako handang ikwento yun eh.

Anyway, mamaya na ako magku-kwento, malapit na ako sa aking bagong school eh.

~~~~~~~~~~

After 3 minutes, eto na. Nandito na ako sa bago kong school. Kinakabahan ako, baka hndi ako magustuhan ng mga ka-schoolmates at lalo na ng mga classmates ko.

Pero kaya ko toh' . Kahit na ayaw nila sa akin eh hndi ako kakabahan. Ako si Macey Jane Garcia, isa ako sa angkan ng mga matatapang, Ang Garcia. Kaya hndi ako dapat kabahan ..... Go Macey! Go! Go! Go Fight! Diba ang galing, nagcheer pa ako ... pero kinakabahan parin ako.

Nang makapasok na ako ng tuluyan sa school, ay naglakad na ako sa hallway para tignan kung ano ang section ko sa bulletin board.

Section 3-B ako. Hayy salamat! hndi ako masyadong mahihirapan sa magiging mga classmates at magigng adviser ko sa section na toh' dahil hndi nman ako sa 3-A.

Nang matignan ko na ang aking section, ay naglakad na ako para hanapin ang aking room. Umakyat ako sa second floor para matignan ang mga nakalagay na sections sa pintuan. Hmmm, wala dito ang section ko kaya aakyat ako sa third floor para matignan ang mga sections.

Pagakyat ko sa third floor ay may nakita akong anim na pintuan, bale tatlong room ang nasa third floor dahil harap at likod ay may pintuan, hanggang fourth floor ang building ng 3rd year kasama na ang rooftop nito. Kaya tinignan ko ang unang room (room mula sa kaliwa) 3-C ang nakalagay sa pintuan, siguro yung nasa gitnang room ang 3-B? .......... at tama nga ang hinala ko, nasa gitna nga ang section ko at nang tinignan ko ang nasa kanang room ay 3-A ang nakalagay. Kaya dito ako papasok sa gitnang room.

Kumatok na ako sa front door (pintuan mula sa kanan), at pagbukas ay may nakita akong isang anghel na bumaba mula sa langit, dejoke lng! teacher ang nagbukas at mukhang dalaga pa. "Ahmm Yes? can I help you?" sabi ng teacher in her sweet voice.

"Ahm, I'm Macey Jane Garcia. Ako po yung bagong nagtransfer dito. 3-B po ang nakita kong magiging section ko po, eh nakita ko pong 3-B ang section ng room na ito kaya dito po ako." sabi ko nman sa malambing ko ring boses.

"Ah! ikaw pla si Ms.Garcia. Come in! dito nga ang room mo." sabi ni Ms. Ahmm..... hndi ko pa pla alam ang name niya, mamaya na lng.

"Thanks po!" sagot ko nman.

"Uhmm class! I want you to meet your new classmate. Siya yung sinasabi ko sa inyo kani kanina lng na ngayon lilipat. Halika Ms. Garcia dito sa harapan, magpakilala ka sa kanila." paguumpisa ni Ms.

 Pagpunta ko sa harapan ay nagpakilala na ako, "Hi Everyone! I'm Macey Jane Garcia from Lucky Academy. Hope we can all be friends. That's all Ma'am." Whoo! nakakakaba talaga ang magpakilala sa harapan.

"Ok Ms. Garcia....." pinutol ko ang pagsasalita ni Ma'am, "Macey na lng po Ma'am." sabi ko kay ma'am. "Ah ok Macey, I'm Ms.Analyn Torres. You can call me Ms.Analyn or Ms. Torres, wag lng ma'am. Hah?" Nag nod na lng ako sa aking pagsangayon.

"Ok sige humanap ka na lng ng mauupuan mo, doon na lng sa bandang dulo.Dun lng ang may free chairs." sabi ni Ms.Analyn sabay turo sa pangapat row ng mga chairs, isa lng ang nakaupo sa row na iyon. At isa siyang nerd, well hndi na ako magtataka kung bakit siya lng ang nakaupo doon.

Pumunta na ako sa row kung nasaan nakaupo ang sinasabi kong nerd. Umupo ako sa tabi ng bintana para tahimik at mahangin, bale madadaanan ko yung nerd. Ito kasi ang ayos ng mga chairs:

                                                      Board

                                                      Table

|Table| |Table|     |Table| |Table|      |Table| |Table|      |Table| |Table|

|Table| |Table|     |Table| |Table|      |Table| |Table|      |Table| |Table|

|Table| |Table|     |Table| |Table|      |Table| |Table|      |Table| |Table|

|  Ako  | |Nerd |     |Table| |Table|      |Table| |Table|      |Table| |Table|

Pagaupong-pagkaupo ko ay kinausap ko na kaagad yung nerd, "Hi! I'm Macey, kaw ano pangalan mo?" at inabot ko ang kamay ko para makipagshakehands.

"Ahmm ..... M-melody, Melody I-iris Yap!" at tinanggap niya rin ang kamay ko.

"Why are you stummering?! 'wag kang matatakot sa akin hah? hndi nman ako nangangain eh." pagpapaliwanag ko sa kanya dahil nabubulol siya tapos nanginginig pa.

"Uhm hndi nman ako natatakot sayo ..... simula kasi kaninang pagpasok ko eh wala pang kumakausap sa akin,tapos parang nandidiri sila sa akin. Si Ms.Analyn at ikaw palng ang bukod tanging kumausap sa akin." Ah kaya nman pala eh.

"Hehehe ganun ba?! wag ka magalala ako na lagi ang kakausap at makikipagkwetuhan sayo para hndi ka nalulngkot sa isang tabi. Baka mapanis ang laway mo eh kapag hndi ka nagsalita." sabi ko sa kanya.

"Hehe salamat ... Ahm Macey, pwede ba kitang maging friend?!" maging friend daw?

"Oo nman, pwedeng-pwede. Kahit bestfriend pa eh ..... So bestfriends?!" tanong ko sa kanya.

"Hehehe sige bestfriends. Thanks hah?! kasi ikaw pa lng ang nag-aya sa akin na maging bestfriends... yung iba kahit friends lng ayaw pa nila."

"Your Welcome. Dapat lng nman kasi na may friends ka noh'... hndi kumpleto ang buhay kung wala kang mga friends or bestfriends. Ang cute mo pa nman." sabi ko sa kanya sabay pisil ng dalawa niyang pisngi.

"Hindi ah! hndi ako cute... ikaw, cute at maganda." Hah? ba't ako?

"Pano mo nman nasabi na cute at maganda ako?!"

"Kasi nakikita ko at kanina ka pa kasi pinagtitinginan ng mga boys o." sabi ni Melody sabay turo sa mga classmates kong boys na nakatingin sa direksyon nmin ni melody, or should I say .... sa akin sila nakatingin.

"Psshh! wag mo na silang pansinin. Makinig na lng tayo kay Ms.Analyn sa mga sinasabi niyang mga rules." sabi ko kay Mels at iniwasan ng tingin ang mga boys.

"Sige :)" sabi ni Mels habang nakangiti.

~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng pagdidiscuss ni Ms.Analyn about sa rules and regulations ng school pati na rin ng room ay dumaan ang dalawa pang subject, at katulad ng kay Ms. Analyn (Adviser nmin) ay sinabi lng ang kani-kanilang mga rules and regulations kapag sila ang nasa room nmin.

At sa wakas ay lunch na. Sabay kami ni Melody na pumunta sa cafeteria, dahil ang sabi ko sa kanya ay sabay na kami lagi maglunch.

TO BE CONTINUED.....

------------------------------

Vote at comment na poh kayo xD

DEDICATION ? just post in my Message Board ^__^

"CHAPTER 2" ~~~

~~~~~ SOON

Written by: IamJaaade

AB AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon