Written by: IamJaaade
------------------------------
Pagkatapos naming maglunch ni Mels ay tumambay muna kami sa ilalim ng puno sa likod ng building namin, pagkabili kasi namin sa cafeteria eh pumunta na kami sa ilalim ng puno dahil dito daw siya laging tumatambay.
"Bakit ka nga pala lumipat dito Macey?" Nagulat ako ng bigla siyang nagtanong, at sa lahat ba nman ng itatanong niya eh yan pa. Hindi pa ako nakakasagot eh nagsalita na kaagad siya.
"Ayos lang kung hindi mo gustong sagutin, wala nmang problema sa akin yun eh." sabi niya.
"Ahhm ... Hindi nman sa ayaw kong sagutin nagulat lang ako sa tanong mo ...... Pero sa totoo lang, hindi ko pa kayang sabihin ang dahilan ko kung bakit ako lumipat dito eh. Hindi pa ako handang pagusapan yung tungkol dun." sabi ko sa kanya.
"Okay lang. Hindi nman kita pipilitin eh. Makakapaghintay nman ako ..... Hindi nman ako mainipin na tao, kaya ayos lang. Basta kung handa ka nang sabihin at pag-usapan ang dahilan gusto ko ako muna ang unang makakaalam hahh ??"
"Oo nman! Ikaw ang una kong naging kaibigan ko dito kaya sayo ko unang sasabihin, kapag handa na ako." sabi ko sa kanya na nakangiti. Gumanti rin siya ng pagngiti.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay, at nang mag bell na ay bumalik na kami sa room nmin.
------------------------------
Uwian na nmin ngayon, inaayos na nmin ang mga gamit nmin nang makauwi na kami.
"Oh Halika na Mels! Tapos na ako magayos ng gamit. Uwi na tayo!" sabi ko kay Melody, pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko.
"Sige halika na! tapos narin nman na ako eh!" sabi niya at naglakad na papuntang pintuan. Sumunod lang ako sa kanya palabas.
Paglabas namin ni Melody ay naglalabasan na rin yung nasa kabilang room, yung room sa kanan kung saan ako dumaan (kung nasa loob ka ng room ng 3-B at nakaharap sa pintuan, yun yung may hagdan na dinaanan ko) at tumingin naman ako sa kaliwang room pero hindi pa sila naglalabasan. Nagtaka ako kaya nagtanong ako kay Melody.
"Mels! Bakit hindi pa rin nagsisilabasan yung mga estudyante dito sa kaliwang room?" tanong ko kay melody.
"Hmm .... Ahh sila nga diba kasi ang 3-A. Hindi sabay ang uwian ng 3-A sa atin mula 3-B to 3-I. Maya-maya pa sila uuwi, siguro after 30 minutes ng paguwi natin sila uuwi. Marami pa kasi silang ginagawa eh!" page-explain sa akin ni Melody.
"Ahh ganun ba?" sabi ko, "Bakit mo naitanong? may inaantay ka ba dyan?" tanong naman ni Melody sa akin, "Ahh wala lng! wala pa kasi akong nakikitang lumalabas sa room nila eh kaya naitanong ko lng." sabi ko kay Melody.
"Ahh! akala ko may inaantay ka sa 3-A eh!" sabi ni Mels, umiling lng ako at ngumiti bilang tugon ko.
------------------------------
Nakarating na kami sa parking lot ng academy, at nakita ko na rin ang sundo ko kaya nagpa-alam na ako kay Melody.
"Bye-bye na Mels! nandyan na yung sundo ko eh. Kita na lng tayo bukas sa room hahh!" paalam ko kay Melody.
"Sige ba-bye na rin! nandyan na rin ang sundo ko eh! sige kita na lng tayo bukas." sabi ni Melody.
"Sige ba-bye!" sabi ko at kumaway habang palakad at papasok na ng kotse, kumaway lng rin si mels at sumakay na rin sa kotseng sundo niya.
------------------------------
Nakarating na ako sa bahay ng masaya. Syempre may kaibigan na agad ako sa school kahit kanina lng ako nagtransfer sa school na yun.
"Oh Macey, Anak! nakauwi ka na pala. Sige na at umakyat ka na sa kwarto mo para makapagpalit at makakain na tayo." sabi ni mommy, "Ayy oo nga pala! nandyan na nga pala kuya Mack mo, galing states. Iniintay ka na niya, pati sila kuya Martin at kuya Max, gusto ka rin nila makita." dugtong ni mommy.
Wow nandyan na si kuya Mack pati sila kuya Martin at kuya Max, miss ko na sila.
"Talaga po Mommy? sige po akyat na ako para makapagpalit po, at nang makita ko na sila kuya." sabi ko kay mommy, tango lng ang kanya sagot.
Umakyat na ako sa kwarto ko ng sa ganun ay makapagpalit at makababa na ako at makita na sila kuya.
TO BE CONTINUED.....
------------------------------
Don't forget to:
Vote and Comment ;)
DEDICATION ? just post in my Message Board ^__^
"CHAPTER 3" ~~~
~~~~~ SOON
Written by: IamJaaade
BINABASA MO ANG
AB Academy
Teen FictionKaya mo bang pumasok sa school na puro gulo at problema ?? masisikmura mo bang makahalubilo ang mga taong may kanya-kanyang mundo ?? ehh ang mapasama sa Love Circle ng mga estudyante ?? ... ... ... Subaybayan natin ang maingay at magulong mundo ng m...